Luha at Tamis (Huling Yugto ng Housewife Series)


Ang huling kabanata sa kwento nina Sheryl at Julius. Para sa nakaraan, pakibasa po lamang ang Kwentong Housewife (Daw) sa pamamagitan ng link sa itaas.

VI.  Luha at Tamis

Magandang umaga!” bati ni Julius kay Sheryl, sabay alok ng kape na siya mismo ang nag-brew. Tutulong sanang maghanda ng almusal si Sheryl pero nakahain na ang mga yaya ng mga anak ni Joanne paglabas niya sa kuwarto.  Maaga talaga nagigising ang household pag may bata.

Huwag kaya tayo dito mag-breakfast?” tanong ni Julius.

Puyat at hindi pa masyadong gising si Sheryl, pero sulit naman ang sakit ng ulong dinaranas niya ngayon. Napalapit siya nang husto sa mga kaibigan ni Julius, at natuwa rin siya sa mas malalim na pagkakakilala niya rito dahil sa kanila.

Saan tayo pupunta?” tanong ni Sheryl, sabay tanggap sa mug ng kape na inihanda ni Julius. Nag-kiss sa kanya si Julius sa noo. “At nasaan silang lahat?

Yung mga hindi talaga tagarito, alam mo namang unti-unting nagsiuwian na mula pagsikat ng araw. Sina Alex at Joanne, ipinasyal na ang mga bata. Nagtatatalo sila paglabas dito kung sa park o sa swimming o sa horseback riding o sa McDonald’s sila pupunta.”

Hirap talaga ng may anak,” sabi ni Sheryl. Kung siya, limang oras lang ang tulog na putol-putol pa dahil sa labas-masok ng mga roommates niya, malamang, yung mag-asawa, halos wala pa dahil sila ang hosts kagabi, pero kailangang pagbigyan ang lakad na talaga namang pinlano at inilaan para sa mga bata.

Ano, ready ka na bang umalis? O kung gusto mo light breakfast muna tayo dito, tapos magsimba tayo, tapos lunch sa Tagaytay?” Kanina pa gising si Julius at nagpaplano ng kanilang araw. Sa sala kasi nagsiksikan ang mga kalalakihan kaya walang may matinong tulog sa kanila. Ang mga misis at si Sheryl, nagkasya sa mga kwarto. Pero isa-isa na ring nagpaalam ang mga barkada dahil karamihan sa kanila, kagabi pa dapat umuwi.

Maganda yata yung almusal-simba-lunch na plano. Aabot tayo sa 10 a.m. mass, bibilisan ko lang mag-pack,” sagot ni Sheryl. Naka-shower naman na siya. Aba’y hindi siya magpapakita kay Julius ng bagong-gising look kaya siniguro niyang bago siya bumaba sa kusina ay ayos na siya.

Masarap ba ‘yung kape? Batangas brew ‘yan,” kwento ni Julius.

 

Actually parang matapang siya kesa sa usual na iniinom ko, pero tama lang ito para magising.”

Wala ka bang hangover? May Berocca rito, iniwan ni Ria para sa iyo.

Ayun, parang kailangan ko ‘yan…” bago pa makakuha ng basong may tubig si Sheryl para sa Berocca, nagawa na ito ni Julius. Pinanood nila ang tablet na mag-fizz sa tubig.

Ang thoughtful naman ni Ria. Actually, aside from Joanne, parang siya ang pinaka-makakasundo ko sa barkada mo. Although mabait naman lahat. Natuwa rin ako dun sa abogada, pinagtanggol ka.

Natuwa rin silang lahat sa iyo,” maingat na sabi ni Julius. Bigla lang siyang nag-flashback sa nangyari dati, nung nakasundo ng barkada ang dating girlfriend niyang doktora at makipag-break siya, hindi niya maintindihan bakit may opinion sila. Apektado lahat. Sana naman hindi mangyari iyon with Sheryl. Not that may  balak siyang makipag-break kay Sheryl. Ni hindi pa nga sila. Yata.

Sana nga makita ko sila ulit.” Na-conscious si Sheryl sa sagot niya kasi parang nagpapa-imbitang ewan siya sa lakad ng barkada. Pinansin na lang niya ang nakahain sa lamesa. “Grabe naman ito, parang hotel breakfast. May pancakes, may toast, may fruits, may yogurt. Pero ang pinakamasarap, yung kape!

Siyempre, guwapo ang nagtimpla eh. Pero gusto ko ng kanin. Di bale mamayang lunch na lang natin. With bulalo at tawilis!

Pag nagpupunta ang barkada ni Sheryl sa Tagaytay, palibhasa all girls dahil hindi usually isinasama ang mga asawa’t anak ng mga kaibigan niya, hindi sila sa bulalohan kumakain kundi sa mga out-of-the-way na restaurants na Western food ang inihahanda, o kaya sa mga bed-and-breakfast na may kasamang spa. Mahina siya sa kanin pero masarap sigurong panoorin kumain nang marami si Julius.

Unless gusto mo sa mga date places dito, yung may mga steak at kailangang magpa-reserve,” sabi ni Julius, na nabasa na naman ang iniisip ni Sheryl.

Hindi ah, ano’ng akala mo sakin, sosyal? Punta tayo sa bulalo restaurant na may view ng Taal volcano, na may kumakanta, ok sakin yun,” excited na sagot ni Sheryl. Kahit sa carinderia pa sila kumain ni Julius ngayong araw na ito, happy pa rin siya!

O sige, aayusin ko na ang kotse ha, ilabas mo na lang ang mga gamit mong ilo-load ko sa trunk.

What a difference a night with his friends makes. Nawala ang awkwardness, ang new-coupleness, nila. Natural lang na magplano ang isa, sumang-ayon ang isa, mag-suggest, mag-usap. Magaan at masaya ang umagang iyon.

Late sila nang konti dumating sa misa dahil dumaan pa sa park para magpaalam kina Alex at Joanne. Sa likod sila ng simbahan nakaupo. Naalala ni Sheryl na kagabi lang, nagdadrama siya sa kasal dahil sa pagsisikip ng dibdib niya sa pag-uusap nila ni Julius sa biyahe. Ngayon, wala na yung mga emote niya.

Nagsisimba si Julius. Yun na ang pogi points sa lahat ng pogi points. Ipinagdasal niya ang araw na iyon at lahat pang mga darating na araw. Hiniling niyang matuto siyang mag-dahan-dahan sa pakikipag-relate kay Julius.

Pagdating sa restaurant, nakakuha sila ng sariling kubong maganda ang view ng Taal Lake. Wala nang hiya-hiya si Sheryl, masarap nga ang bulalo at mainit na kanin at bagay sa tawilis na in-order ni Julius. Uminom pa sila ng buco juice. Kinantahan din sila ng roving singers ng restaurant. Aegis ang banat.

Mahal na Mahal Kita by Aegis

Hindi kita puwedeng iwanan

Hindi kita puwedeng pigilan

Ipaglalaban kita

Kahit hanggang kamatayan man

 

Kung mawawalaya sa iyo

Huwag kang mag-alala’t babalik ako

Para ipagpatuloy natin ang ating pag-ibig

Na aking iniwanan sa ‘yo

 

Chorus:

Mahal na mahal kita dito sa aking puso

Ikaw lang nag-iisa, o aking mahal

Mahal na mahal kita dito sa aking puso

Ikaw lang nag-iisa, o aking mahal

 

Mahalin mo lang ako nang tapat

Mamahalin din kita nang tapat

Kahit anong pagsubok dumating

Ipangako mo rin, ipaglalaban natin

Kilala mo ang Aegis?” amused na tanong ni Julius habang pinapanood si Sheryl na sumasabay sa banda.

Oo naman! May Pilipino bang hindi nakakakilala sa kanila? ‘Luha’ at ‘Basang-Basa sa Ulan,’ at oh my gosh, yung ‘Halik,’ sobrang winner yung kantang yun.

Pwede ba yung ‘Halik?’” tanong ni Julius sa lead singer ng munting bandang nakatapat sa mesa nila.

Ano?” patawang tanong ni Sheryl. Hmm sexy ang lead singer, at nakatingin si Julius, ano kaya kung buhusan nya ng mainit na sabaw ng bulalo….

Ibig kong sabihin, kung pwede nilang kantahin yung paborito mo,” sagot ni Julius na ibinaling kaagad ang tingin sabay hawak sa kamay ni Sheryl. Marunong siyang mag-shift ng eksena.

Hindi ko naman favourite yun, pang-sawi iyon eh. Wala akong ganung angst ngayon,” sabi ni Sheryl, na ayaw na bumitaw kay Julius. Kahit hindi na siya makakain at mag-sebo na ang bulalo.

Ay ano na lang po ang request niyo, ma’am?” tanong ng lead singer na naka-skinny jeans.

 

“O baka po may theme song kayo, ma’am, ser,” ang dagdag pa ng gitarista.

Isa ngang makabagbag-damdaming ‘Hawak Kamay’ diyan,” request ni Julius, sabay kindat kay Sheryl.

Hawak Kamay ni Yeng Constantino

Minsan madarama mo kay bigat ng problema

Minsan mahihirapan ka at masasabing “di ko makakaya”

Tumingin ka lang sa langit

Baka sakaling may masumpungan

Di kaya ako’y tawagin

Malalaman mong kahit kailan

 

Chorus

Hawak-kamay

Di kita iiwan sa paglakbay

Dito sa mundong walang katiyakan

Hawak-kamay

Di kita bibitawan sa paglalakbay

Sa mundo ng kawalan

 

Minsan madarama mo

Ang mundo’y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa

At ang agos ng problema’y tinatangay ka

Tumingin ka lang sa langit

Baka sakaling may masumpungan

Di kaya ako’y tawagin

Malalaman mong kahit kailan

 

Sumabay pa si Sheryl sa chorus at sa bridge siya na ang kumanta:

 

Wag mong sabihin nag-iisa ka

Laging isipin meron kang kasama

Narito ako oh, Narito ako…

 

Natuwa pati mga katabing mesa sa performance. Palakpakan ang lahat. Matapos niyang abutan ng tip, nagpakuha ng picture nila ni Sheryl si Julius sa gitarista.

Bagay po kayo, ma’am, ser, parang in-love na in-love ang aura niyo” sabi nito. Nagpasalamat ang dalawa.

Pag-alis, sabi ni Sheryl, “Ooh, malay natin may powers pala si Kuya. Nakita niya ang aura natin eh!

“Hindi masyadong kuya si Kuya,” paliwanag ni Julius. “Napansin mo ang pilantik ng daliri?

At come to think of it, malagkit nga ang tingin sa iyo,” dagdag na puna ni Sheryl, na natatawa lang. Kailangang masanay na kung si Julius ang ka-date, maraming nakatingin dito. Pwes, hanggang tingin lang naman sila.

Julius…

Yes, Sheryl?”

Paano naging ‘Hawak Kamay’ ang theme song natin?

Di naman official iyon. Nagkataon lang. May alam akong mas bagay sa atin.”

Ano?”

“’Init sa Magdamag,’ alam mo yun ‘no?”

Nonoy Zuñiga at Sharon Cuneta! At hindi bagay sa atin ‘yon!”

Ano ka, sakto kaya ‘yun sa atin. Kantahin mo nga ang chorus.”

Kung langit sa atin ay ipagkait,

Dito sa piling mo’y muling makakamit.

Walang hanggang pag-ibig na may luha at tamis,

Nasa’n ka pagsaluhan natin ang init sa magdamag.…”

Sumabay si Julius sa pagkanta, at nag-blend kaagad ang mga boses nila. Parang pinraktis na nang maraming beses. Pero mahina lang ang kanta nila at baka marinig ng mga nasa kabilang kubo.

O diba, sa sandaling pagkakakilala natin, may luha at tamis na, pero may langit din…”

Loko. Gusto ko pang makarating sa totoong langit...”

Sheryl…”

Yes, Julius?”

E kung, next week na tayo umuwi?”

Nangangarap ka nang gising?” Sumandal siya kay Julius habang nakatanaw sa bulkang Taal.

Oo tingnan mo, naplano ko na. Ang dami nating pwedeng gawin. Tomorrow, gawin natin yung Taal Volcano trek. Sa Tuesday, magpapa-spa tayo maghapon, the works! Uuy, alam kong gusto mo yun. Kasi mapapagod tayo sa trek kaya kailangan ng massage pagkatapos….”

 

“Actually gusto ko rin ng foot spa at facial…” Sumali na rin sa pangangarap si Sheryl.  Julius was gently stroking her hair while talking dreamily and staring into the “Island within a Lake on an Island within a Lake on an Island.”

“Kita mo na? I’m starting to make sense diba. Then, sa Wednesday, rent tayo ng boat sa Taal Lake Yacht Club. Sa Thursday, maghahanap tayo ng kakilalang magpapapasok sa atin sa Tagaytay Highlands, kahit overnight na tayo doon. Sa Friday ng gabi, sakay tayo sa malaking ferris wheel aka ‘Sky Eye.’  Hindi ka mukhang nagca-casino so we can skip that. Sa Saturday pwede tayong mag-day of prayer o mini-retreat. Diba? Muntik na nating maaabot ang langit nun!!!”

Dami mo namang plano.”

Gano’n talaga. Nakakapagod kayang puro trabaho lang.”

Pero Julius, may pasok tayo bukas.”

Pwede namang mag-leave!”
Agad-agad? Hindi ka naman demanding. Kailangan sa amin months in advance ang paalam lalo na kung more than 3 days na VL.”

Karapatan ng manggagagawa ang VL.”

Iga-grant naman, pero di lang pwede short notice.”

Ayaw mo yata akong kasama eh.”

Hello! Ang drama. Gusto na nga kitang papirmahin ng kontrata e.”

Ay dapat kagabi pa, nung andito si Adora, at nang ma-review muna niya. Teka, anong kontrata?”

Huminga nang malalim si Sheryl.

Yung ex ko kasi.” Tiningnan niya si Julius. Hindi naman bumitaw sa kanya. “Punung-puno ng pangarap at plano iyon. Tatanda raw kami together. Iikutin daw namin ang mundo together. E hindi pa nga tapos ng college, hindi na kami together!”

Ano’ng nangyari, bakit kayo nag-break?”

Nag-cross enroll siya sa UP Baguio isang summer. Artist e. Pagbalik ng June, may ibang girlfriend na, pero di ko pa alam, so pinagsabay kami. By September, nabuntis na niya, so nalaman ko rin. By December kasal na sila.”

Parang may nagliwanag sa isip ni Julius. “Ahh, kaya pala ayaw mo na nang paliguy-ligoy, sigurista ka na ngayon. Kaya yung listahan mo diretso sa kung ano hinahanap mo sa asawa at sinasabi mo agad na pang-housewife ka.”

Tumango si Sheryl. “Ayoko na kasi ng bolahan. First love ko yun e, high school sweethearts kami. Sabi ng lahat, bagay kami, at nadaan ako sa lakas mambola, galing manligaw. Kahit maraming ibang kaklase kong umaaligid, siya sinagot ko. Ang tiyaga-tiyaga niya noong bago pa lang kami.”

Naka-ilang boyfriend ka pa after him?”

Wala, siya yung last. Traumatic for me, e.  It was so hard to trust men after that. It took me years to get over him.”

Whoa. Ang tagal na no’n a.”

Kaya nga Julius, I’m not wired for casual dating. Siguro naman by now, I’ve made that clear.”

Crystal clear.  Hindi nga lang ako makapaniwala. Sa ganda mong yan, as in wala talagang sumunod after college?”

Merong pailan-ilang dates, pero hindi nag-work out. May officemates na laging bumubuntot pero hanggang di nagsasabi nang intensiyon, friends lang sila for me. Meron doctor, best friend ng isang kuya ko, gusto ko na sana, nag-abroad naman para mag-further studies. Hanggang napagod na akong mag-date, naging busy na ako sa work, at nahirapan na rin ang friends ko hanapan ako ng ise-setup with kasi ang pili-pili ko na raw.”

E anong sabi mo sa friends mo nung na-meet mo ako?”

Alam mo, fishing ka!” Sabi ni Sheryl sabay tayo. “Punta muna akong restroom.”

Pagbalik niya, sabi ni Julius, “May missed calls ka ulit.”

Hay, ang Mom ko, at sina Pauline. You haven’t met my friends, we have to schedule that.”

Papuntahin mo sila rito sa Tagaytay, our kingdom for a week,” sabi ni Julius sabay akbay kay Sheryl.

Uuwi tayo tonight diba, Julius?”

Iisipin ko pa. Hindi ako takot sa Tatay mo, ha kala mo ba,” pabirong hirit ni Julius. Nothing could be further from the truth.

E sa mga kuya ko? Bullies ko sila nung maliliit pa kami pero nung lumaki na ako  bumait na sila sa akin.  They wanted to pay Darwin a visit, yung ex ko, after they found out what happened. Full force, and some of them are taekwondo black belters. Kaso pinigilan sila ng Daddy. Ang sabi, buntis na ang babae, hayaan na nilang pangatawanan ni Darwin ang ginawa niya, di na nga lang siya makakalapit o tawag sa akin ever.”

How did you take it?”

Hindi ko kinaya. Nagbakasyon ako sa Tita ko sa London that Christmas. Winter kung winter. Tinapos ko lang last year ko sa UP nang parang nanaginip, then balik sa London, this time with my parents. Natakot yata silang saktan ko sarili ko, kasi sobrang depressed ako nun e.”

Sana pala sa UP ako nag-aral, o kaya nakilala kita noon pa. I could have saved you from heartache.”

Mga hirit nito! Baka ikaw ang nag-cause ng heartache. Atsaka ang layo kaya ng Mapua, feeling ko lang hindi ka magtitiyagang dumalaw nang madalas.”

Uuy, nag-research, alam kung saan ako nag-college.”

TseAng feeling mo talaga!

Lipat tayo sa Bag of Beans, kape at masarap na bread.”

Sure. Hindi ko na lang iisipin bakit mo kabisado ang Tagaytay, kung ilang girls na ang inilibot mo rito.”

Madalas ako rito for work. Minsan, sinasama ko mga kapatid ko, parents ko, tsaka pamangkin ko.”

Paglipat nila sa Bag of Beans, mas intimate na ang ambience. Naisip ni Julius na mag-confess.

I think I have to tell you something.”

Ano? Don’t tell me you’re married. Or may anak ka na…” Huwag po, huwag po naman sana, panalangin ni Sheryl.

Wala pa, that’s just your trauma talking.”

E kasi naman mga intro mo nakakakaba.”

Here goes. Naalala mo ba yung first date natin?”

Sa tingin mo makakalimutan ko yun?” Makasaysayan kaya ‘yun. Napangiti si Sheryl.

Haha. Meron ka kasing text message…”

Hindi pa tapos si Julius, natigilan na si Sheryl. Napawi ang ngiti sa mukha niya. Text message. Isa lang ang sinend niya, sa place ni Julius yun. She texted her friends. Hindi yata’t…

Na-include mo ako sa recipients,” simpleng dagdag ni Julius.

Maraming four-letter words na nagsigawan sa kalooban ni Sheryl. Buti napigilan niyang sabihin ang mga ito out loud. Oh no!!!

Nakangiti si Julius. Lumipat sa tabi ni Sheryl. Tumalikod si Sheryl, burying her face in her hands. Gusto na niyang mamatay sa hiya.

Hey, I’m still here, diba?”

Tinanggal ni Sheryl ang mga kamay niya mula sa mukha at nakuha niyang maggalit-galitan para itago ang matinding kahihiyan.

Bakit ngayon mo lang sinabi? I made a fool of myself!”

Kakakilala pa lang natin nun, paano ko naman sasabihin. Naisip ko rin, first impression lang ‘yun, lilipas din.”

Sinabi ni Sheryl sa text na iyon na nahanap na niya ang The One. Kung nabasa ni Julius iyon, dapat nagpakalayu-layo na ito sa kanya. Pero hindi naglaho si Julius. Oo nga pala, mga isang linggo lang.

Kaya pala naghintay ka ng 1 week bago tumawag ulit. Pinalipas mo ang kagagagahan ko.”

Hindi naman. I checked myself also kung ano ba intensyon ko sa iyo. Klaro kasi na pangmatagalan ka, hindi lang pampamilya, pang-sports pa.” Ang mga jokes ng dalawang ito, pang ‘80s kids talaga.

Pwede ko bang tanungin ano intensyon mo sa akin? Don’t freak out, okay?” Marahang tanong ni Sheryl. Tuwing napupunta kasi sa seryoso ang usapan, parang luha at pait ang napapala niya.

Sher, right now, ito lang masasabi ko, I’m crazy over you. I want to get to know you more. Wala akong powers para malaman, o ma-assure ka, what tomorrow brings. Except na gusto ko talagang kasama pa rin kita bukas, at sa isang bukas, at sa isa pang bukas….”

Luha. Tutulo na ang luha ni Sheryl. Naalala niya ang acting workshop na pinasukan niya dati, sabi tumingala para bumalik ang luha, tapos pagbaba ng mata, sabay ngiti. So ginawa niya ito. Effective.

Julius, what are you saying?” Nagniningning ang mga mata ni Sheryl sa hindi tumulong tears of joy.

Kung may audition, mag-au-audition ako. Kung may pila pipila ako. Kung…

Shh…” sabi ni Sheryl. “Lika nga rito,”

Lumapit pa nang husto si Julius sa kanya. Inilagay naman ni Sheryl ang chin niya sa shoulder ni Julius sabay sabing, “Selfie muna tayo.”

Ha?” Gulat na gulat si Julius.

Gusto kong maalala ang moment na ito forever and ever. Smile!” Click. “And you bet I will upload this. Out na tayo.”

So Sheryl, kung out na tayo, ibig sabihin tayo na? We are official?”

Well, kung susundin ko ang rules ko, hanggang hindi ka nagsasabi ng I Love You, at hindi kita sinasagot, hindi pa tayo.

E kung hindi natin sundin ang rules mo?

Pwede rin naman, kung bigla mo akong i-kiss, malilimutan ko ang rules na ‘yon.”

Dito mo gusto ng halik, sa Bag of Beans? Sa harap ng maraming tao?”

Bakit, hindi ka na makapigil?” pilyang sagot ni Sheryl.

Kinuha ni Julius ang bill. Dahil matagal dumating, nagpunta na siya sa counter para bayaran ito. Nag-takeout si Sheryl ng bread para sa parents niya. Tatawag pa sana siya kay Francine nang bigla siyang hinatak ni Julius sa kotse, hindi na makapigil.

Nagawa naman nila lahat ng pinlano ni Julius sa Tagaytay, hindi nga lang noong linggong iyon. Hindi sila nagmadali. Pinlano nila bawat trip, para special, at inunti-unti sa loob ng iba’t ibang weekend.

Sa loob ng Ferris Wheel nag-propose si Julius kay Sheryl in less than a year. Umikot ang mundo ni Sher, literally.

Nakilala nina Pauline, Francine, (at Georgia at Larissa through Skype) si Julius. Sila rin ang mga bridesmaids sa kasal.  Umuwi lahat ng kuya ni Sheryl sa Pilipinas para rito. Ang mga pamangkin nila at inaanak ang ring bearers at flower girls.

Si Alex ang Best Man. Maiyak-iyak at tawang-tawa ang mga bisita sa speech at toast niya.

Ang barkadang The Tux ang reception singers. Rock, pop, Pinoy, at 80’s music naman ang kinanta nila sa wedding reception. Pinakamaraming YouTube hits ang duet ng bagong kasal ng “Init sa Magdamag.” May surprise number din si Julius para kay Sheryl (“Blaze of Glory”), at si Sheryl para kay Julius (“Bituing Walang Ningning”). Iyak-tawa ulit ang audience.

Nagpa-cater si Julius sa kaklase niyang may-ari ng restaurant kung saan sila nag-first date. Nag-message ang Head Waiter sa video para sa bagong kasal, sabi niya, na-predict niyang love-at-first-sight ang nangyari sa dalawa. Malaking tip na naman ang inilaan ni Julius para sa kanya.

Tumira muna sila sa condo ni Julius, at patuloy na nagtrabaho si Sheryl.  Ngunit nung manganak na siya, pinili niyang maging full-time mom. Housewife, pero part-time singer.

Sina Julius at Sheryl, simple lang ang pangarap, simple rin lang ang buhay na hinarap.

Nawa ang kwento nila ay nakapagdulot ng saya sa inyong lahat.

The End.

(Tapos na talaga, wala nang aapila.)

Ang Magkaibang Plano (Housewife Series, Part 4)


Maligayang Araw ng mga Puso! Narito na ang pang-apat na kabanata sa kwento nina Julius at Sheryl. Kung nais balikan, o simulan, ang naunang tatlong kabanata, maari po lamang na magbasa ng Maikling Kwento. Salamat!

IV. Ang Magkaibang Plano

Nag-stop over nga sa malaking gas station sina Sheryl at Julius bago tumuloy sa Tagaytay. Naka-gown si Sheryl, diba? Kasi dapat didiretso sila sa simbahan pagkatapos. Nakasuot naman ng suit nya si Julius maliban sa jacket kaya bagay sila, at hinayaan na lang nilang pagtinginan sila ng mga tao.

Pumasok sila sa Starbucks para magkape. Alam nilang dapat kumain din sila kasi dinner pa ang susunod nilang meal, sa reception.

May gustong tanungin si Julius kanina pa, at nakahanap siya ng pagkakataon nung nakaupo na sila, habang naglalagay ng asukal sa kape niya si Sheryl.

Uh, Sheryl, earlier when you introduced me to your dad… sabi mo, ano, sabi mo… I’m your ‘friend’ Julius.”

Nagpigil ng tawa si Sheryl. “Tama naman, diba? We are friends, right?” Pinanood niya ang facial expression ni Julius.

Hindi matiyak ni Julius kung paano sasabihin ang follow-up question. Uminom ng kape niya si Sheryl, at naisip na hindi pala muna niya dapat ginamit ang MAC lipstick, sana light gloss na lang muna kasi napunta lang sa coffee cup lahat. Hindi bale, talent naman niya iyong pagre-retouch.

Binalikan niya ang pamumrublema ni Julius nang may konting amusement.  “Bakit, akala mo na-Friend Zone kita?” sabi niyang naglalaro ang mga mata.

No, no, I just wanted to… know what that meant for you.” Si Julius ba ito? Si Julius na ni hindi umaabot sa Friend Zone, dahil matapos niyang pagsawaan ang mga babae, halos hindi na siya kinakausap ng mga ito? Si Julius ba itong worried kung kaibigan lang ang turing sa kanya ni Sheryl?

Look, it’s my dad. I know what triggers his alarm system. Hindi ka pa niya kilala e. Hindi pa rin kita masyadong kilala. When it becomes clear to us what we are, then I’ll tell him. Okay?” Hindi sinasadya ni Sheryl na mang-pressure. Hindi pa nga naman sila nagtatanong kung anong status nila. Nililigawan ba siya ni Julius? Iyon ang bagay na maiintindihan ng henerasyon ng parents niya. Are they dating? Iyon ang uso ngayon, walang commitment, unless sabihin nila parehong exclusive na sila. Sila na ba? Sheryl was hoping these things would be settled that weekend.

Ok.” Napalunok si Julius. Ito ang napapala niya sa pagtatanong ng mga bagay na hindi niya alam ang sagot. At hindi pa siya handang sagutin. Sa tanda niyang ito, parang hindi nag-aapply lahat ng dati niya nang gawi. Dati-rati, siya ang hari ng MU, ng malalabong usapan.

Ang ikli naman ng sagot, naisip ni Sheryl. Pero ayaw niyang masira ang magandang araw. Hindi siya magmamadali. Kahit na sabi ni Georgia, hindi utak ang pinapagana niya rito kay Julius.

Tell me, Sheryl,” sabi ni Georgia nung huli nilang usap sa Skype, nang mabalitaan nitong sasama siya sa Tagaytay para makilala ang mga kaibigan ni Julius, “which of your standards did Julius meet so exceptionally well? Hindi kaya inabutan lang siya ng right time, yung handa ka nang magka-relationship ulit? Or you just found him irresistibly handsome? Kasi come onnn, sa tinagal-tagal nang paghihintay mo, hindi mo masagot sa akin bakit ang lakas ng tama mo rito kay Engineer?”

Puwede ba naman kay Georgia ang mga sagot na, “Hindi ko maipaliwanag e, basta masaya ako pag kasama ko siya, at wala akong gusto kung hindi makausap siya, isipin siya, o planuhin kelan kami magkikita ulit.” So, hindi ito ang sinagot ni Sheryl.

Ang sagot niya, “Georgia, sabi mo nga tumatanda na tayo. Baka natututo na rin ako kung ano ang gusto ko, baka hindi man measurable or logical at this point, there’s something about him.

Just take care of your heart, Sheryl. Alam kong ikaw na ang pinakamaingat sa ating magkakabarkada, pero noong kabataan natin, medyo may tendency ka ring maging baliw sa pag-ibig e.

Ngayong kaharap ulit ni Sheryl si Julius, naaalala niya ang mga sinabi ni Georgia. Kasi para nga siyang teenager ulit. At ayaw niyang masyadong mag-isip. Go lang siya nang go.

I’ll just freshen up ha,” sabi niya kay Julius. Ito ang hirap sa mga out-of-town weddings, kung wala kang bahay na mapagbibihisang malapit. Kahit nag-rent sina Alex ng bahay sa Nasugbu, after reception pa sila pupunta roon.

Tumango lang si Julius. Hindi naman niya makita kung ano pa ang dapat i-improve sa ayos ni Sheryl. Paglabas nito, masaya niyang in-escort pabalik sa kotse. Kumapit si Sheryl sa kanang braso niya palabas.

Kuha tayo ng selfie,” sabi ni Sheryl.

Selfie pa rin ba tawag kahit dalawa tayo?

Hindi ko alam, pero mas matangkad ka, so ikaw humawak ng phone ko.

Naka-ilang take sila kasi hindi naman sanay kumuha ng selfie si Julius. Inayos din ni Sheryl ang buhok ni Julius na ginulo ng hangin. Gumanda lang ang shot nung pinaglapit nila ang kanilang mga mukha, na magkaharap.  Mahirap i-execute ito dahil sa layo ng agwat ng height nila.

Ia-upload mo ito?” tanong ni Julius.  Hindi pa sila out sa social media as a couple. Hindi pa yata ready si Julius….

“Hmm, baka hindi. Just wanted to be reminded of the moment,” sagot ni Sheryl, “atsaka baka may mas magandang shots mamaya.

Oo nga pala may pupuntahan tayong kasal, ‘no?” sabi ni Julius, na totoong nakalimutan sandali kung saan sila papunta.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Julius. Si Alex ang tumatawag.

Asan na kayo?”

On the way na,” ang sagot ni Julius.

Siguruhin mong maaga kayo para makita mo ang bunso ko na ring bearer ha.

Andiyan na kayo?” gulat na tanong ni Julius. Mga isang oras at kalahati pa ang layo nila, sa tantiya niya. Sinakto lang din niya ang estimated arrival nila na magsisimula na ang kasal.

Kanina pa, kailangan mag-practice ni Davey nang paglalakad, e. Isa pa, kaya ako tumawag, pakisabi kay Sheryl vinolunteer ko siyang kumanta dun sa pictorial session. Andito kasi ang choir, pianista, at strings quartet, nagpa-practice din,” sagot ni Alex.

Ano? Ikaw kaya ang magsabi. Baka hindi pumayag ito,” sabi ni Julius, habang naglalakad sila ni Sheryl pabalik sa kotse.

Ikaw na, hindi naman kailangan ng notice niyan e. Tiyak may baon nang kanta yan, si Sheryl pa.” Hindi na lang sinabi ni Alex na narinig na niya ang wedding singers at mas magaling pa ang ka-date ni Julius kaysa sa mga ito.

Pagsakay sa kotse, tamang-tama, si Odette Quesada ang kumanta ng “I Think I’m in Love” galing sa playlist ni Julius. Sabi niya, “Alex asked me to tell you, if you could sing during the pictorial session. Matindi yon e, nai-volunteer ka na hindi ka man lang tinanong muna.”

Oh. Hindi yata ako handa,” nabigla si Sheryl. Hindi kasi niya kilala ang bride and groom kaya siya medyo hesitant. Pero naisip niya, wala namang nakikinig sa kumakanta pag pictorial na, kasi either naka-pose nang wacky sa harap ng altar ang mga tao, or nakaupo at nanonood sa mga nagpo-pose ng “wacky” at “closer.”

Vinolunteer din ba niya kung ano ang kakantahin ko?” sabi ni Sheryl makalipas ang ilang sandaling pag-iisip kung tatanggi siya.

Hindi, pero sigurado raw siyang may baon ka nang kanta,” sagot ni Julius na parang naging messenger ni Alex. Naisahan siya dun, a.

“Hmm, okay ba yung Till I Met You?

Kahit ano, tiyak na matutuwa sa iyo si Janine, hindi man niya mapansin agad mamaya, pag pinanood niya ang video ng wedding.

Tahimik sila habang nakikinig kay Odette Quesada. Inaalala na rin ni Sheryl ang kakantahin niya. May napansin silang babaeng nasiraan ng kotse sa highway, at may tumutulong na dito. Naawa si Sheryl, at inisip niyang sana, hindi lokohin ng mekaniko ang babae. May naalala tuloy siyang observation niya tungkol sa mga mekaniko at lalaki.

“Alam mo, kayong mga lalaki, daig pa ang mga mekaniko ng kotse,” pasimula ni Sheryl.

Ha? Paano mo naman nasabi yun?

Kasi, nung minsan, I was in a minor car accident. I was fine, but my car,  unti-unti nang nag-deteriorate after that. Hindi ko na sa kasa dinadala kasi ang mahal. Tuwing may papa-repair, nag-ca-canvass ako sa iba’t ibang shops. At alam mo kung ano’ng napansin ko?

Hindi agad makasagot si Julius. Nagulat siyang si Sheryl mismo ang nagpapagawa ng kotse niya. Hindi ba niya pwedeng iasa iyon sa… sabagay, talagang enigma si Sheryl. Malamang marunong din itong magpalit ng flat tire.

Ano’ng napansin mo? Na mabait sa iyo ang mga mekaniko?

Hinde. Tuwing may sira at magpapalit ako ng mekaniko, may bago na namang theory kung anong problema ng kotse ko, at kasalanan iyon ng previous mekaniko, at siya lang – ang bagong mekaniko – ang makakagawa nun, kasi hindi siya manloloko, at alam niya ang ginagawa niya, at maaasahan ko siya.

Parang alam na ni Julius kung saan papunta ang observation ni Sheryl.

Car mechanics, like men, tend to think they are the only exception to the rule, that you are lucky to meet them in a world full of fraud and dishonesty.

“Saan ka ba nagpapagawa ng kotse? May talyer yung tatay ng kabarkada namin, papakilala kita.” Nag-pretend si Julius na hindi nakuha ang ibig sabihin ni Sheryl.

That was before. I bought a new car last year,” sagot ni Sheryl.  Napatawa si Julius.

Paano mo nga naisip ulit na happy kang maging housewife?

Huminga nang malalim si Sheryl. Madaling sagutin ito sa first date, yung wala pa siya masyadong pakialam kung ma-turn off si lalaki. Noon pa nga lang, mega react na siya sa pambibitin ni Julius. Iba na ngayon, medyo kapag natakot na naman si Julius sa mga sasabihin niya, baka hindi niya kayanin.

“Kaya nga ako may list, e,” sabi niya, at naramdaman niya ang inner Pauline niyang nagsasabing, “Wrong answer, Sheryl!

You have a list?

“Ahh, medyo traffic ano? Huwag sana tayong ma-late. Sana pagtungtong natin sa simbahan, hindi pa nagsisimula yung procession to the tune of Pachelbel’s Canon in D Major…

Hindi ko alam bakit sa lahat ng kasal yun ang tugtog. Walang originality ang mga tao. Pero hindi mo sinagot ang tanong ko. Ano yung listahan mo?

Mukhang hindi nakalusot si Sheryl. Siguro kailangan na nilang harapin ang katotohanan.

Yeah, I have a list. Of qualities. In a man. Siyempre para ma-sustain ko yung Housewife Dream, naghihintay ako ng Good Provider.” Tahimik lang si Julius. Nagsisi naman si Sheryl. Bakit kasi kailangan siyang maging honest palagi? Ano na lang ang magiging reaction ni Julius? Na sinusukat niya ang mga lalaki? Paano pag na-realize niyang nasa testing phase sila ngayon kung pasok nga ba si Julius sa mga listahan ng hanap niya? At hindi niya balak sabihin kung ano ang laman ng listahan.

Hey. Say something,” sabi ni Sheryl, sabay hawak sa braso ni Julius na malapit sa hand break.

Umaandar ang utak ni Julius. Sabi ko na, high maintenance ang babaing ito e. Sabi ko na, maraming hinahanap ito sa buhay e. Shape up, Julius. Time to make an exit plan, before it’s too late.

Sakto naman ang pasok ni Basil Valdez sa car stereo.

Anong kailangan kong gawin

Upang malaman mo

Ikaw ay minamahal ko

Kailangan ko’y katulad mo

Sa buhay kong ito

Nag-iisa lang sa mundo.

 

Dati’y nasaktan na ‘ko

Takot nang magtiwala

Ayoko na sanang umibig pa

Ngunit ika’y ibang-iba

Sa lahat ng nakilala

Sana ay ikaw na nga.

 

And this list, how does it work? Pag may palpak minsan, o may kulang, The End na? Good bye na?” Nairita si Julius sa playlist niya for the first time. Masyadong nakaka-enhance ng damdamin, e gusto niyang mag-concentrate sa pag-iisip ng mga usual niyang exit plan sa mga sandaling iyon.

Na-sense ni Sheryl na medyo tense na si Julius. Great job, Sheryl, naisip niya.

It hasn’t worked yet, obviously. Pero dahil sa List, hindi ako madalas nakakahanap ng date. O kung lumabas man ako, hindi ako nai-impress basta-basta. It’s been years since my last boyfriend.” Pause to reminisce. Pause for effect.  “But after our first date, I threw away the list,” dagdag pa ni Sheryl.

Nabuhayan ng loob si Julius. Ayaw lang pala niya yung feeling na hindi siya nakapasa.

Pero, napaisip siya….

Teka, ang ibig ba nitong sabihin, nasa kanya na lahat ng hinahanap ni Sheryl? Naalala niya ang text message nito sa mga kaibigan noong makasaysayang first date nila: “I have found the one. He gets me!

Kailan kaya niya aamining natanggap niya rin ang text? Hindi pa siguro ngayon. Hindi pa siguro bukas.

Wala namang masama sa listahan, ang problema, wala pang ganoon si Julius. Hindi sya kasing-handa ni Sheryl sa mga ganitong usapan.

Sheryl, I don’t mean to be mean, okay?

Uh-oh. Ano raw?

I just want us to manage our expectations a little bit more. Ang sabi ko, wala akong balak lokohin ka. Bigyan mo lang ako ng chance to get used to some of your ideas.

What’s the matter? Ayaw ba niyang matukoy na nakapasa sa Sheryl’s Exalted List of Qualities in a Husband?

Ayun, husband na kasi agad ang hinahanap niya.  Segue lang ang Boyfriend. Pupunta pa naman sila sa kasal. Paano ba mag-manage ng expectations sa ganitong environment?

Aalagaan kita nang mabuti ngayong weekend. Pero pagkatapos nito, pag-isipan natin kung pareho ba tayo ng hinahanap sa relationship, and let’s try to meet halfway. Tama ka, hindi mo pa ako masyadong kakilala. Kung baga sa Monday, back to reality tayo. Ngayong weekend, let’s pretend we’re just a regular, happy couple.

Maiiyak yata si Sheryl. Dang it! Malapit na sila sa simbahan. Ano bang pinagsasasabi ni Julius? How could he expect her to process this? She was in freaking three-inch heels.

Are you okay with that, Sheryl?” malambing na tanong ni Julius.

What the hell, ano’ng gusto mong isagot ko? Ang tunay na thought bubble ni Sheryl. Nagpigil siya dahil kailangan pa nilang maging sweet para sa kasal at sa reception at sa after-reception gimmick. At may bukas pa. Magpasundo kaya siya sa daddy niya?

Julius, I don’t know how your previous girlfriends responded to this kind of proposition, but you leave me with no choice. Ok, I am your date for the weekend. Beyond that is a mystery.

Ayaw sakin nito, naisip niya. I mean, not enough to want to spend forever with me.

“Kasi naman, bakit ka nagmamadali? Forever ka diyan!” ang sabi ng chorus nina Pauline, Francine, Larissa, at Georgia sa utak niya.

Dumating na pala sila sa Chapel on a Hill. Matarik ang hagdan paakyat kaya inalalayan siya ni Julius. Nung nakaupo na sila sa tabi nina Alex at Joanne, atsaka tumugtog ang Canon in D Major. Nag-co-compose ng mukha si Sheryl, ayaw niyang magpahalata kahit kanino.

Ayun, naglakad na ang Maid of Honor. Parang artista sa ganda, naisip ni Sheryl. Actually, kamukha ni Dawn Zulueta, napansin niya. Kung anu-ano na lang ang iniisip niya para hindi mag-emote.

At dumating na ang bride. Yung moment na nagpalit ng music, at kumanta na ng

Ikaw ang bigay ng Maykapal

Tugon sa aking dasal

Upang sa lahat ng panahon

Bawat pagkakataon

Ang ibigin ko’y ikaw

Ay, hindi na nakapigil si Sheryl. Buti na lang, marami siyang kasabay magpunas ng luha. Ang weird lang e kasi hindi naman niya kakilala ang bride. Naramdaman niyang hinawakan siya ni Julius sa kamay.

Ano, bawal umiyak? Naisip niya. Tiningnan niya si Julius nang galit.

Nung nagtama ang tingin nila, nagsikip ang lalamunan ni Julius. Bakit siya umiiyak? Gusto ko lang naman malinaw usapan namin para walang sisihan.

Bakit ba ang hirap-hirap? Drama ng puso ni Sheryl. Itong mga iba, sina Joanne at Alex, Janine at Raymond, happy ending. Hindi sila iniwan ng mahal nila. Itong si Julius, napakahirap dalhin. Ang ilap-ilap. Gusto na niyang sumuko. Tama yata sina Georgia, kung ayaw niyang maghintay sa wala, dapat lumayo na siya kay Julius noon pang una.

Wala nang pinakamalungkot na bisita sa kasalang iyon kundi si Sheryl. Buong misa, napadasal tuloy siya nang matindi.

“Lord, bakit Niyo naman ipapakita yung gusto ko, tapos sample lang pala? Bakit hindi sya consistent? Bakit feeling ko po, anytime, bibitawan ako nito? Hindi naman po ako naghahangad ng lahat ng lalaki sa mundo e. Minsan lang po ako makakita ng gusto ko.

Madasalin pala si Sheryl, naisip ni Julius, habang pinapanood si Sheryl na taimtim na nakaluhod pagkatapos ng communion. Pag-upo nito, sumenyas na si Alex, malapit na ang pictorial. Kakanta na siya.

Fight, ang naisip ni Sheryl. Akin ka ngayong weekend, diba? Pwes, I’ll kill you with my charm. At wala nang iba pang greater power si Sheryl kundi ang pagkanta.

For Janine and Raymond,” sabi niya, bago sinimulan ang awitin.

 

I never dreamed

Cause I always thought that dreaming was for kids

Just a childish thing

And I could swear

Love was just a game that children play

And no more than a game

 

‘Til I met you

I never knew what love was

‘Til I met you

This feeling seems to grow more every day

I love you more each day

Ang bawat tao sa buong simbahang puno ay nagtanong kung sino ba iyong artistang kumakanta. Sunud-sunod ang group pictorials, hindi na nag-solo ang mga taga-choir, ibinigay na kay Sheryl ang mikropono. Pumili na lang siya sa mga song sheets ng choir.

Sana’y Wala Nang Wakas

Now That I Have You

How Did You Know?

Hiningan pa siya ng calling card ng strings quartet, kasi gusto nilang mag-partner sa isang wedding singer. Ngumiti lang si Sheryl. Nang bigla niyang makita si Julius na kausap si Dawn Zulueta,  yung Maid of Honor.

Lapit agad sa kanya si Alex, “Ok ma’am, kalma lang. Best friend ni Janine yon, si Susannah. Nag-date sila ni Julius dati. At huwag kang mag-alala, galit kay Julius iyan. Magpa-Pasko kasi nung nakipag-break ang kaibigan ko, ayun, ang sabi ni Susannah, emotionally constipated daw siya.

Hindi mukhang galit ang hitsura ni Susannah, dahil tumatawa ito sa kung anuman ang sinasabi ni Julius. Akala ba niya sila ngayong weekend?  Lumapit nga siya.

There you are,” sabi ni Sheryl, sabay angkla sa braso ni Julius.

Nanlaki ang mata ni Susannah, halatang hindi na-realize na may ka-date si Julius. Galit pala ha, naisip ni Sheryl.

Ipinakilala ni Julius si Sheryl kay Susannah. “Susan, this is Sheryl.” No labels, naisip niya. Mabuti na ang safe.

So pleased to meet you,” sabi ni Susan. “You have a lovely singing voice. Are you a professional singer?

I am the unofficial girlfriend, naisip ni Sheryl. Fight mode talaga siya.

No, I just like to sing occasionally. I’m in marketing,” sabi niya habang nade-depress unti-unti kasi ang tangkad at ang payat ni Susannah. Parang model lang.

Yun pala, model nga. Nakita niya si Joanne sa pila papasok sa reception, at nagpunta sila sa restroom nang sabay. Binulungan siya ni Joanne, “Nakita mo yung model-modelang exgf ni Julius?

She is my worst nightmare! Please tell me may ka-date siya ngayon.

Hirap na nga siya sa sitwasyon nila ni Julius, hindi pa niya kaya ang love triangle, lalo na kung 23 inches ang waistline ng karibal niya.

Meron, at nilalait ng barkada. Medyo may edad na kasi at umuurong na raw ang noo… Alam mo naman ang mga lalaking ito pag makakasama akala mo nakatambay pa rin sa kanto kung mag-usap-usap.

Not a comforting thought, naisip ni Sheryl. Kahit sino kapag itinabi mo kay Julius, walang comparison, naku kailangan niyang kumapit kundi pati sa weekend na ito, baka ma-zero siya.

Naupo na siya  sa silya sa tabi ni Julius. Hindi pa tapos ang explosives nito.

Sheryl, later, yung mga games para sa singles, wag na tayong sumali ha. Don’t try and catch that bouquet.

Ulit, ulit. Rewind. Is he telling her what to do? Bakit noong first date, cute ito, pero ngayon, nakakainis yatang madiktahan?

Pero naalala niya ang façade niya bilang sweet girlfriend.

Why, if there’s an eligible bachelor here who wants to put a garter on my leg, who am I to resist?” sabi niya while batting her eyelashes coquettishly. Marunong din siyang mang-inis.

Basta, alam ni Raymond ayoko ng mga ganun. Lumalabas nga ako usually, e dahil kasama kita, hindi ko gagawin iyon.

Seriously, Julius. This is a wedding. Lighten up! Ano’ng gagawin ko kung mag-roll call ang bride and groom?

Hindi ka pa naman nila kilala e.

Aray ko naman. That really hurt. Gusto nang kunin ni Sheryl ang sapatos niya at pukpukin ng matulis niyang heels si Julius.

Fine. Hindi ako sasali. I will go outside and smoke a cigarette.

I didn’t know you smoked.

Hindi mo naman ako kilala e.” Ang smoking ni Sheryl ay pang-college days lang, at minsan pag may overtime sa work at kasama niya yung mga artists na nag-de-design ng marketing paraphernalia. Pero hindi naman niya ito habit. Naghahanap lang siya ng pang-inis kay Julius.

Nagpaalam si Julius, may kukunin lang daw. Pagbalik nito, dala ang gitara. Malapit na pala yung Harana nilang magkakabarkada. Dumiretso na ito sa may stage para mag-setup.

Naiwan sina Joanne at Sheryl sa side nila ng mesa, kasi ang mga bata ay nasa kabilang mesa.

“This is what they do best. Ako rin, naharana noon. Biglang gumuguwapo ang magkakabarkada pag kumakanta na. At ang Julius mo, pogi points sa paggigitara.

Ang Julius ko. Nais tumulo ng luha ni Sheryl. Sabagay, kanya si Julius, according to him, hanggang Linggo ng gabi, sa computation ni Sheryl. Masulit nga.

Nagbuhos pa siya ng red wine na naiwan sa mesa pagkatapos ng mga toasts to the bride and groom. Ininom niya ito at naghandang making sa mga maghaharana. Mas maganda kung naka-barong sila. Puro naka-suit eh. Sa kasal niya, gusto niya naka-barong lahat ng lalaki. Kung ikakasal man siya. Erase na nga, at baka maiyak na naman siya.

Si Raymond ang unang lead singer, siyempre siya ang nakasalang bilang groom. Halatang matagal nang magkakaibigan ang grupo, dahil sa luma ng mga jokes nila at kanta. Humalili sa pagkanta ang iba habang nag-first dance ang bagong kasal.

(Ikaw Lang Ang Aking Mahal)

Itanong mo sa akin

Kung sino’ng aking mahal

Itanong mo sa akin

Sagot ko’y di magtatagal

 

Ikaw lang ang aking mahal

Ang pag-ibig mo’y aking kailangan

Pag-ibig na walang hangganan

Ang aking tunay na nararamdaman

 

Isa lang ang damdamin

Ikaw ang aking mahal

Maniwala ka sana

Sa akin ay walang iba

Palakpakan. Inom pa rin si Sheryl.  Hinanap niya ang cellphone niya. Dami nang text messages ng mga kaibigan niya, nangangamusta. May text din si Mommy.

(Ang Awitin Ko)

Bakit di ko maamin sa iyo

ang tunay na awitin ng loob ko.

Di ko nais mabuhay pa

kung wala sa piling mo

Ngunit di ko pa rin maamin sa iyo.

 

Di malaman ang sasabihin pag kaharap ka

Ngunit nililingon naman pag dumaraan na.

O, ang laking pagkakamali kung di niya malalaman

Kaya sa awitin kong ito ipadarama.

 

Nag-text si Sheryl kina Pauline at Francine. “He says we’ll spend the weekend together then assess on Monday. I know. I shouldn’t have agreed but I’m already here. :-(”

Reply ni Pauline: “What does he mean ‘spend the weekend together’?”

Reply ni Francine: “Sheryl, straight na ang English mo. You must be mad. Want us to get you? Gigisingin ko si Mahal.

The only way for me to know what exactly he means is to stay. I don’t think he knows what he wants yet, girls. I intend to straighten that out of him. So, no, don’t rescue me just yet. Ktnxbye!

Pagkatapos ng mini-concert ng barkada, palakpakan ang lahat. Nag-speech si Raymond.

Itong mga kababata ko pong ito ang nagtulak sa akin para makitang si Janine ang dapat kong maging kabiyak. Pag hinarana na po namin ang babae, that means that’s it na, welcome to the family na, at handa kaming ipaglaban ang pag-ibig nila. Ngayong gabi, meron po sa aming bagong miyembro…

Natigilan si Julius. Ano’ng sinasabi ni Raymond?

To Sheryl, where are you? Ah, there you are. Sheryl, nagpapasalamat kami ni Janine na kumanta ka kanina sa simbahan. [Palakpakan ang lahat ng tao.] At alam naming how special you are to Julius. Pasensiya ka na sa kaibigan naming medyo mahina sa pag-express ng tunay niyang damdamin, pero ako na ang nagsasabi, matino iyan pagdating sa tunay na pag-ibig, at hindi man halata, bakit wala din naman sa mga hitsura namin, pero Husband Material ito, ma’am.

Gusto ni Sheryl na maglaho na lang sa balat ng lupa. Gusto ni Julius sakalin si Raymond, pero kasal naman nung tao.

Pag-upo ni Julius, hindi ito makatingin kay Sheryl. Nag-speech naman ang isang ninang at isang ninong. Puro payo sa mga bagong kasal. Punung-puno ng pag-asa at pag-ibig ang gabing iyon. Samantalang nasa bingit ng kamatayan ang lovelife ni Sheryl.

Nakakahalata na si Joanne na hindi nagkikibuan ang dalawa. Sinenyasan niya si Alex.

Na-carried away doon si Raymond. Alam nyo na, high na high e, at pag in-love ang tao gusto niya lahat sa paligid niya masaya rin. Ang hindi ko alam ay kung bakit mukha kayong namatayan diyan.

Nag-announce ang emcee na tumayo na ang lahat ng single ladies. Nakaporma na ang games para sa bridal bouquet.

Ayaw ni Sheryl to make a scene. Tumayo rin siya pero dumiretso sa labas. Maginaw. At manipis ang kanyang shawl.

Sumunod pala si Julius. Hindi na siya kinailangang sabihan nina Alex at Joanne.  Naramdaman na lang ni Sheryl may naglagay ng jacket sa kanya mula sa likod.

O, bawal magkasakit, lagot ako sa tatay mo.

Kanina ka pa lagot, thought bubble ni Sheryl.

What are we doing here, Julius?

Nagtatago,” maikling paliwanag ni Julius. “Sa mga kabaduyan na dapat pang-pelikula na lang.”

Halatang hindi niya nasundan ang ibig sabihin ni Sheryl.

No, I mean, what are we doing? Am I an experiment? Kasi kung hindi ka pa ready, ok lang naman, sabihin mo lang. I just have to step back, too.

Huwag. Kang. Iiyak. Iyon ang mahigpit na tagubilin ng inner Georgia ni Sheryl, at nakinig naman siya rito.

I have to admit, tuwing mapag-uusapan natin ang pag-aasawa, at pagiging housewife mo, hindi ko alam ano’ng isasagot ko. Sa mga dati ko kasing girlfriend, hindi ganito ka-seryoso agad.

E bakit mo ako dinala sa kasal? Sadista ka ba?” tanong ni Sheryl. Hindi ulit galit ang tono niya, nanghihina na siya.

Kasi gusto kitang dalhin dito. Sa Tagaytay. Kasama ng mga kaibigan ko. Gusto ko mag-enjoy ka. Obviously hindi ako successful sa last.

Sa lahat din ng babaeng nakilala ni Julius, si Sheryl ang pinakamahirap pasunurin. May sariling isip. Nagtatanong ang mga mata. Nangungusap ang katahimikan.

Sheryl, iba yung emotionally constipated, I admit there’s some truth to that, sa manloloko o babaero. Hindi ako ganun. At hindi ko gustong saktan ka. I’m just being honest with you. Before I met you, wala pa sa kukote ko ang pag-aasawa.

But you already have hurt me, sabi ni Sheryl kay Sheryl.

Alam mo Juls, without you even trying, tuwing mapapaso ka sa akin, nasasaktan ako. I can’t help being myself, though. Ganito ako, transparent, emotional. Hindi ako usually reckless. Siguro dapat klaruhin mo muna sa sarili mo anong intentions mo sa akin.

Niyakap ni Julius si Sheryl. Hindi na naman niya alam ang sasabihin, e.

Nakita mo itong gown ko? Alam mo kung saan gawa ito?

Natural, hindi alam ni Julius. Wala siyang alam sa mga tela at mga gown.

Hindi ko alam, saan?” Tiningnan ni Julius ang gown. Nakita niyang maganda ang fit nito sa katawan ni Sheryl.

Sa housewife material.

Bago maka-react si Julius, nagsalita muli si Sheryl.

And I’m sorry for being like this. Pero ayoko na ng emotional yoyo. Mag-soul searching ka muna, kasi simula pa lang, sinabi ko na sa iyo ano’ng plano ko sa buhay. If you can’t be part of that, then we’d better say goodbye here. Magpapasundo na ako sa driver ng daddy ko.

Wait, Sheryl,” hindi na naman makahabol ang utak ni Julius sa damdamin niya. Parang may masakit pero hindi niya mahanap kung nasaan.

I’ll, I’ll take you home. I owe you that much.

Paano mae-endure ni Sheryl ang biyahe pauwi? Pero sabagay, once tawagan niya ang daddy niya, baka kung ano’ng gawin no’n kay Julius. Sasabihin na lang niyang sumama pakiramdam niya kaya umuwi na lang sila instead of overnight. Hindi na rin niya inistorbo sina Francine.

Well, you better drive fast. And none of that saccharine-sweet music. And you explain to Alex and Joanne why we’re not joining them. You don’t have to be honest. Just say I’m sick.

 Bumalik sila sa mesa, sinimot ni Sheryl ang laman ng bote ng red wine. Ayaw pumayag ni Alex.

Pare, nakainom ka, mahirap mag-drive sa gabi.

Isang beer at isang wine lang, wala ‘yon. Kailangan nang umuwi ni Sheryl e.

Hindi na nagpumilit sina Joanne at Alex. Kanina pa nahahalata ng mag-asawa na asiwa ang Julius at Sheryl sa isa’t isa.

Naunang lumabas si Sheryl. Naalala niya, ni hindi niya nakausap ang bride na si Janine. Kung sabagay, hindi naman niya na kailangang kaibiganin iyon. Una, best friend siya ng ex ni Julius. Ikalawa, asawa siya ng best friend ni Julius, na malapit na niyang maging ex.

Bilog ang buwan, napansin ni Julius. Ituturo sana niya kay Sheryl pero hindi siya nito pinapansin. Ipinagbukas pa rin niya ng pinto. Naupo si Sheryl nang tahimik.

Parang may mali, naisip ni Julius. Hindi ito ang pinlano niyang weekend.

Pero iyon ang problema. Weekend lang ang pinlano ni Julius.

Forever ang pinaplano ni Sheryl.

Magkatagpo pa kaya ang kanilang mga plano?

Abangan ang susunod na kabanata. 

Ang Araw ng Kasal (Housewife Series, Part 3)


Basahin muna po ang unang dalawang kabanata sa pamamagitan ng “Maikling Kwento” link sa itaas. – E.

III.  Ang Araw ng Kasal

Dumating na ang araw ng kasal, ang pinakahihintay na okasyon ng ating magsing-irog.

Hindi nga pala sina Sheryl at Julius ang ikakasal, kundi ang kabarkada ni Julius na si Raymond at ang soon-to-be ex-girlfriend nitong si Janine. Bisita lamang sila rito, pero sa level ng excitement at preparation, akala mo silang dalawa ang mga bida sa okasyon.

Si Sheryl. Nagpapasalalamat siya at fashion designer ang kaibigan niyang si Francine, dahil formal ang attire sabi sa imbitasyon na nahalungkat din sa wakas ni Julius sa trunk ng kotse niya, matapos siyang kulitin ni Sheryl. Nai-design siya ng simpleng gown at ipina-paspas ito ni Francine sa kanyang mga mananahi sa loob lamang ng ilang araw. Tinulungan din siya ni Francine na pumili ng sapatos na bagay sa kulay at tela ng gown, at pinahiram sya ng beaded evening purse.

Pero hindi siya nakalusot sa inquisition ng kaibigan nung una siyang lumapit dito. “Uhmmm… nung isang linggo lang, ngawa ka nang ngawa tungkol sa Julius na iyan. Ngayon, kandarapa kang magpagawa ng gown at sasama ka pa sa Tagaytay. Hunghang ka na ‘day?

Fran, ewan ko ba. Para akong mababaliw nung time na hindi siya tumatawag. I felt I didn’t deserve the treatment I got from him. Andun lahat ng hinahanap ko sa first date eh: magic, connection. Nung naputol iyon, nothing made sense to me. Tapos, nung tumawag na siya, okay na ulit ang mundo ko. Parang pati boses namin sa telepono, perfect fit. Bagay!  Rough kasi boses niya, tapos malambing boses ko. Kahit gusto kong magsungit, hindi kaya.

Tumaas ang kilay ni Francine, sabay sabi habang sinusukatan ng hem length ang kaibigan, “Ikaw, malambing boses sa telepono? Sabi ko na nga ba, maglaladlad ka rin pagdating ng tamang lalaki eh. Matipuno siguro si Julius kaya naalala mong babae ka pala.

Alam ni Sheryl na nagbibiro lang si Francine, kasi siya ang pinakakikay sa kanilang magkakaibigan. Lagi lang siyang alaskado na baka hindi interesado sa lalaki dahil matagal na simula nung makipag-break siya sa long term boyfriend at first love niya.

Nag-ring ang cellphone ni Francine. “Hello? Ano, nahanap mo yung tela sa suki ko? …. Ano ba naman yan, Mahal?!! Paano mo mawawala ang listahan? Sabi ko na kasing ite-text ko na lang eh. Nagmamadali tayo kasi may hinahabol akong order tapos sumingit pa itong si Cinderella na mag-aattend ng magic ball sa Tagaytay!

Pumutak pa nang pumutak si Francine sa asawa nyang si Pedrong nasa telepono. Businessman si Pedro, at certified na under kay Francine, kaya ito ang nauutusan sa mga rush order sa Divisoria, at napapagalitan pa dahil sa sampung utos sa kanya, laging may nahahanap na mali ang asawa.

Pagbaba ni Francine ng telepono, pumuna si Sheryl, “Ikaw lang ang nakakabanggit ng salitang ‘Mahal’ na punung-puno ng poot. Mabuti nga sunud-sunuran sa iyo si Pedro e, samantalang marami siyang tauhan. Kailangan ba galit ka lagi, o lambingan niyo ‘yan?”

Ganun talaga dapat, to keep them in line. Husbands should know you’re the boss. Pag nalaman niyang gagang-gaga pa rin ako sa kanya katulad nung mag-boyfriend pa lang kami, baka mabawasan ang powers ko.

Kawawang Pedro. Pinakasalan si Dr. Jekyll, nakuha si Mrs. Hyde,” biro ni Sheryl, na hindi makita ang sariling nagsisisigaw kay Julius. Marahil, maaga pa masyado sa kanilang relasyon, kaya pa-sweet effect pa siya. Natural lang kasi na kapag kausap o kasama niya si Julius, nagiging mas pino ang kilos niya. Tumataas ang pitch ng boses, pero hindi pasigaw. Palaging nakangiti. Ayan, napangiti na siya naalala lang niya si  Julius.

“Pumili ka, do you want to be generous in front, or at the back, or both?” Nabalik sa kasalukuyan si Sheryl, at nag-wish na hindi nakita ni Francine ang ngiting-daydream niya.

Anong ibig mong sabihin?”

Low neckline, backless, or both? Iyong gown mo, Cinderella. Ako ang iyong fairy godmother. Nasa sa aking powers kung gaano ka magiging ka-generous sa date mo. If I were you, I’d show more skin. Tiisin mo ang ginaw. Gagawan kita ng shawl.”

“Kunsintidora ka rin ano?” ngiting may pasasalamat ang naisagot ni Sheryl. “I want to look my best. Pag halter, diba naha-highlight ang aking nice shoulders? Pero ikaw na bahala. I trust your expertise!” At binigyan ni Sheryl ng mahigpit na hugggg si Francine. Alam niyang maganda ang kalalabasan ng gown niya. Maraming boutiques ang sinu-supply-an ni Francine. Hindi pa lang siya nagbubukas ng sariling shop gamit ang kanyang pangalan dahil iniipon pa niya ang capital.

“Fairy godmother lang ako ha, pero hindi mo ako kukuning ninang sa kasal. Ay ano ba, pag nalaman ni Georgia na ako ang kakuntsaba mo sa kalokohang ito, hindi na ako papadalhan nun ng mga pinaglumaan niyang fashion magazines galing Singapore.

Fran-fran my fairy godmother, I owe you big time. Flower girl na lang si Anna ha!” Nagtawanan ang magkaibigan. Ganun talaga ang mga babae, ang hilig magplano ng wedding day nila. Lahat ng details naiisip na, kahit wala pang groom. O kahit may potential groom na, pero wala pang naiisip ang pobreng lalaki na mga ganoong bagay.

Pagkagaling kay Francine, pumunta si Sheryl sa counter ng MAC sa mall at nagpa-trial makeup, atsaka bumili ng ilang basics na matagal na niyang gusto ngunit hindi niya binibili dahil mahal. Pinakamahirap kayang gawin ang nude makeup – yung hindi halata – at kailangan niya ng tamang brushes at maraming practice. Buti at magagaling ang mga makeup tutorials sa YouTube. Inilabas niya rin ang bihirang gamiting hair curler at straightener. Production number talaga pag uma-attend ng wedding ang mga babae. Added pressure pa na gusto ni Sheryl maganda ang first impression sa kanya ng mga kaibigan ni Julius.

Nung araw ng kasal, isang Sabado ng Pebrero, alas-sais pa lang ng umaga, gising na si Sheryl at nag-aayos na.

Si Julius. Nagpa-dry clean siya ng suit. Iyon na ang extent ng preparasyon niya para sa actual wedding. Pero marami rin siyang ibang inihanda, kasi mahaba-habang drive mula Novaliches, sa bahay ni Sheryl, hanggang Don Bosco Batulao. Kailangang i-set niyang mabuti ang ambience. Hindi na uso ang mix tape, na ginagamit ng mga pinsan niya noong nanliligaw sila dati. Playlist na ang uso ngayon, at gumawa si Julius ng para sa mahalagang lakad na ito. Ang title, “Kanta at Gitara.” Pinili niya ang mga kantang makikilala ni Sheryl at matutugtog niya. Siyempre, OPM.

Ang Playlist.

Ewan, Apo Hiking Society, pero yung version ni Sharon Cuneta (O ha! Matutuwa si Sheryl dito, naisip niya.)

I Think I’m In Love, Kuh Ledesma, na kinanta rin ni Odette Quesada, yung nag-compose nito.

Each Day With You, Martin Nievera,

Hang On, Gary Valenciano,

I Need You Back, Raymond Lauchengco.

Meron din siyang mga fast numbers na sobrang flashback sa ’80s, na iniisip pa lang niya, natatawa na sya:

Urong-sulong, Regine Velasquez,

Please Don’t Throw My Love Away, Martin Nievera,

Mambobola, Zsa Zsa Padilla,

Babaero, Randy Santiago,

Mr. DJ, Sharon Cuneta,

at ang theme song ng paborito niyang “Ninja Kids” na pelikula, “You’ve Got the Power!’ na kinanta nina Gino Padilla, Randy Santiago, at Juan Miguel Salvador. Wala lang, parang gusto lang niyang i-share kay Sheryl anong mga hilig niya nung bata pa siya.

Eto naman ang mga clincher na kanta, pag may silent moment sa kotse o di kaya kailangan lang niya ng closer:

Kahit Na,” Zsa Zsa Padilla,

“Ipagpatawad Mo,” VST & Co. featuring Vic Sotto,

“Sana ay Ikaw na Nga,” Basil Valdez,

Ikaw ang Aking Mahal,” VST & Co.  (Pag hindi pa naman sila nagkaigihan ni Sheryl sa biyahe nito, naisip ni Julius. Excited siyang patugtugin ang mga ito at makita ang galak sa mga mata ni Sheryl. Lilingon siya kahit nagmamaneho.)

Pumili siya ng pabango, yung Davidoff Adventure na regalo ng dalawa niyang kapatid na babae noong Pasko, para daw amoy-pogi ang kuya nila. Nag-ahit pogi rin siya. Bihis na siya matapos ang ilang minuto.

Samantalang sa Novaliches, tanghali na, hindi pa tapos mag-ayos si Sheryl. Nagtext na si Julius na malapit na siya.

Mommmm!” sigaw ni Sheryl sa labas ng kwarto, humihingi ng saklolo sa kanyang ina.

Ang ganda naman ng anak ko. Bagay yung hikaw na bigay ng daddy mo sa iyo. Dapat lagi kang mag-dangling!

Mom, I’m running late. Pagdating ni Julius, could you entertain him for a few minutes? Please? Finishing touches na lang ako.”

Aba anak, hindi mo pa siya pinapakilala sa amin ng Daddy mo, tapos ako na agad ang haharap?

Kaya mo yan, Mom, kahit huwag muna si Daddy, ako na’ng bahalang mag-introduce sa kanya. Paupuin niyo lang, alukin ng juice… please Mom?” Tumatalon sa isang paa sa buong kwarto niya si Sheryl, naghahanap ng isang sapatos, pinipili ang gamit na magkakasya sa pagkaliit-liit na purse na pinahiram ni Fran. Kanina pa nagte-text sina Pauline at Fran, hindi niya muna sinasagot ang pangangamusta nila dahil busy siyang magpaganda.

Nag-doorbell na si Julius. May hawak na isang bungkos na tulips. Gusto sana niya roses pero sa isang linggo na lang, malapit na ang Valentine’s Day. At nagmamahal na rin ang mga bulaklak! Natigil ang pag-iisip niya kung saan siya o-order ng roses nang bumukas ang pinto.

Magandang tanghali po, Mrs. Zabala. Ako po si  Julius.”  Gusto sana niyang tawaging Tita ang mommy  ni Sheryl, pero ang chummy naman kaagad.

Are these for me?” biro ni Mrs. Zabala, at nung nakitang nagulat si Julius, sabay bawi, “Ikaw naman, hijo, pinapatawa lang kita! Na-tense ka kaagad!”

“Hahaha! Sa susunod po dadalhan ko rin kayo! Pasensiya na po sa reaction ko, kala ko seryoso kayo eh. Sa inyo pala nakuha ni Sheryl ang charm niya.

Tuloy ka, Julius. Maupo ka muna. Ikaw na ang mag-abot nito kay Sher.” May hitsura nga, naisip ng ina. Sana mabait ka. Huwag kang magkamaling saktan ang bunso namin at lagot ka sa apat na anak naming lalaki, ang sabi ni Mommy sa loob-loob niya. Darating ang mga iyon galing sa apat na sulok ng mundo para sa baby sister nila. Pero nakangiti lang siya kay Julius, na tumitingin-tingin sa mga paintings na nakasabit sa walls.

Gusto mo ng juice? Tubig?”

Hindi na po, Tita. Salamat po.” Hala, lumabas agad ang Tita?  At least hindi “Mommy” ang naitawag niya.

Napangiti si Tita/Mommy. Magalang na bata.

Lalabas na si Sheryl. Sandali na lang daw.”

“Tina, nabuksan mo ang pinto? Nasaan na ang anak nating a-attend ng J-S Prom?” ang daddy ni Sheryl ang lumabas. Nanlaki ang mata ni Mommy Tina. Napatayo si Julius. Hindi niya masyadong napag-planuhan ang meet-the-parents moment. Mabuti na lang nag-ahit siya.

Ikaw talaga, dad. Hindi na high school ang bunso mo! Heto ang kaibigan niya, si Julius.

Good morning po,” sabi ni Julius, sabay abot ng kamay niya. Give a firm handshake, ang diin niya sa sarili, at tiningnan niya sa mata ang daddy ni Sheryl. Mas matangkad siya rito pero bakit parang siya ang nanliliit? Nakakabasa ba ng utak ang mga neurosurgeons? Gusto na niyang humingi ng tubig.

Good morning, Julius,” sagot ng daddy ni Sheryl. Hindi ito ngumingiti. Sumenyas lang na maupo ulit si Julius. Naupo si Julius. Straight back, parang gusto niyang sabihing boy scout siya noong elementary. Ewan niya kung may bearing iyon sa first impression ng daddy ni Sheryl. Si Dr. Zabala ay hindi niya matatawag na Tito.

Emergency, emergency, naisip ni Mommy Tina. Inutusan niya si Juana, ang katulong nila, para katukin na si Sheryl. Marami nang manliligaw si Sheryl ang hindi bumalik matapos ng sandaling makausap ang daddy niya. Gustong bigyan ng fair chance ni Mommy Tina si Julius para kay Sheryl, dahil sinabi ng anak niya,

“Mom, I really like him. Please help me make dad like him, too.”

Hi, everyone,” sabi ni Sheryl. Napanganga silang tatlo: si Daddy, na nagpigil ng luha sa ganda ng prinsesa niya; si Mommy Tina, na gustong kumuha ng camera kahit hindi na ito J-S Prom; at si Julius, na hindi makahinga at hindi makapaniwala sa napakagandang vision na nasa harap niya.

Hello, may nagdaang anghel?” tanong ni Sheryl, pero flattered siya sa mga stunned expressions ng kanyang intended audience. “Dad, I see you’ve met my friend Julius. Be nice to him ha.

Hindi ka ba giginawin sa suot mo, anak?” ang unang bumulalas sa bibig ni Dr. Zabala.

Daddy, si Francine ang designer ko. She made me a special shawl pag humangin na sa Tagaytay. Don’t worry!

O, baka ma-traffic na kayong dalawa. Hihintayin na lang namin ang pictures niyo sa Facebook mamaya,” tulak ni Mommy Tina, para hindi na magtagal ang paghihirap ng kalooban ni Julius sa combined powers ng mag-ama.

Uhh, Sheryl, these are for you,” hindi malaman ni Julius kung paano iaabot ang bouquet. Parang matutunaw kasi siya sa tingin ni Dr. Zabala, at pakiramdam niya masamang magbigay ng bulaklak sa anak nito.

Oh, these tulips are perfect! Thanks! Hmm, ilalagay ko ba rito sa vase o dadalhin ko?

Dalhin mo na, para ma-enjoy mo. Malamig naman doon so hindi agad malalanta ‘yan,” inakbayan na ni Mommy Tina si Sheryl at sabay bulong, “Lakad na, ako’ng bahala sa daddy mo. Ganyan lang talaga yan ka-protective.

Nagpaalam na sila sa mga magulang ni Sheryl. Sa wakas ay nakalabas din sila ng bahay. Tawa nang tawa si Sheryl.

What’s so funny?” Tanong ni Julius habang inaalalayan siyang sumakay sa passenger side. Pag-upo niya sa driver’s seat, tumatawa pa rin si Sheryl.

You should have seen your face,” sabi nito. “I wanted to be the one to introduce you to my dad, kaso lumabas siya agad, e. Hindi namin na-timing-an ni Mommy. Was he nice to you? Mukha ka kasing kinagat ng langgam na pula sa paa, e.

Your dad, he has a presence,” yun lang ang nasabi niya. Hindi naman Darth Vader-ish, pero intimidating talaga. Makapal kasi ang kilay nito, na grayish na.

You should do well to remember, Julius Gomez, that there are currently five other men in my life. One dad and four older brothers. So kung may balak kang lokohin ako, ingat ka lang dahil mild pa ang nangyari kay Vhong Navarro sa kalalabasan mo.” Nasabi ni Sheryl ang threat, na hindi veiled, habang malambing pa rin ang boses niya. Pasalamat si Julius at hindi siya nagsumbong noong hindi siya nito agad tinawagan. Kasi, alam niyang pagtatawanan lang siya ng mga kuya niya noon dahil first date pa lang. Pero ngayon, gumawa lang ng false move si Julius, isang barangay kaagad ang magtatanggol kay Sheryl. Marami kayang friends ang brothers niya.

Napangiwi si Julius. Hindi masaya ang picture na ibinigay ni Sheryl. Moment ito para maiba ang mood, salamat sa kanyang baong playlist.

“I will remember that. Wala naman akong balak lokohin ka, e.” Sabi niya. Wala talaga. Napindot niya ang controls ng iPod niya at tumunog ang boses ni Randy Santiago.

Alam kaagad ni Sheryl ang kanta. Pagdating sa chorus, napabungisngis siya. Nag-duet pa sila ni Julius:

BABABAERO, BABABAERO
BABABAERO DAW AKO
Sino’ng may sabi, makakating labi
‘Di-di-di-di naman totoo
Puro’t imbento, sari saring kwento
Basta’t sayo lang ako!

Whew. Ayan napatawa kita. Pwede na yung next level ng music sa playlist ko.

Aba, may playlist, naisip ni Sheryl. Nagplano ang loko. Ano kaya ang magiging theme song ng araw na iyon?

Ipagpatawad mo, aking kapangahasan

Binibini ko, sana’y maintindihan

Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo

Ngunit parang sa’yo ayaw nang lumayo

Ipagpatawad mo, ako ma’y naguguluhan.

Hindi agad kumibo si Sheryl. Nag-panic nang slight si Julius. Too much ba ang kanta? Ang hindi niya alam, nakikinig ito sa kanyang inner Georgia:

Kanta lang iyan, Sheryl. Huwag mong dibdibin. Bawal masyadong kiligin.

Tumingin siya kay Julius at ngumiti. “So review nga ulit, sinu-sino ang mga kabarkada mo, mga respective na asawa nila, at mga anak?” Hindi niya inamin na na-print na niya ang email ni Julius tungkol sa topic na ito, at na-match na niya ang mga pangalan sa mga mukha nila. Kailangan lang ni Sheryl ng ibang topic, yung magbababa sa kanya ulit sa lupa.

Sinagot naman ito ni Julius, at inisa-isa ang mga pangalan. “Sher, they’ve been prepped well. Si Alex nag-email agad sa barkada at kung anu-ano na ang sinabi. You can imagine, kaya nung mag-exaggerate kung gusto niya.

So, did he exaggerate when he described my looks?”  Hindi naman siya masyadong fishing. Konti lang.

Oops. Hindi iyon ang ibig sabihin ni Julius. “No, no. He described you accurately – na mas maganda pa sa lahat ng ex-girlfriends ko combined.

Ex-girlfriends??? Naka-ilan ka na ba?” Nairita si Sheryl. Hindi pa nila pinag-uusapan ang mga pasts nila. Ngayon ba ang tamang panahon para sa topic na ito? Yung naka-gown pa siya and everything?

Bakit ba lahat ng hirit ni Julius mali?! Parang hindi going according to plan ang drive nila. Kailangan ulit ng mood music.  Pinakanta niya si Martin.

Flowers for you on this lovely evening

Though they have no words they share my feelings;

As we walk along the avenue,
Pardon me, I just can’t help staring at you. 

When I look into those sparkling eyes,

I float in the air and wonder in paradise;
You give my heart a source of inspiration,
Your beauty is beyond imagination.

Hininaan niya ng konti ang music, sabay hirit ng, “Hindi ko na maalala kung ilan e. Wala pa talagang significant. Until now.

Boom.

E di natameme si Sheryl.  Julius chose his battle well, and won.

“So ano na lang mga sinabi ni Alex sa barkada mo about me?

Bukod sa maganda ka, matalino, charming, at lahat na, na alagaan ka raw nila, at pakitaan nang mabuti, para maisip mong may mga kaibigan akong matitino’t nakapagtiis sa akin nang ilang taon, at marunong ako ng totoong commitment, hindi pa lang halata. Actually, joint email nila ni Joanne yun,” sagot ni Julius.

Na-meet na ni Sheryl si Joanne sa office Christmas party. Mabuti na lang at may kakilala siya sa pupuntahang kasalan kaya nabawasan ang pressure. At mukhang hinanda na rin ng mag-asawa ang mga kabarkada para sa warm welcome niya. Napangiti na si Sheryl.

You’ll like them. And they’ll love you. I’m sure of it,” sabay hawak sa kamay ni Sheryl. Binigyan niya ito ng reassuring squeeze.

“You look beautiful, Sheryl. Baka ilang beses kong sabihin sa iyo ngayon ‘yan. I mean,” dinagdagan niya bago pa ma-misinterpret ang sinabi niya, “I’ve always found you beautiful, but today you took my breath away. Kaya siguro ayaw kang pakawalan ng tatay mo at pasamahin sa akin.

Good boy, naisip ni Sheryl. Natututo na ring sumagot ang Julius. At effective ang barely-there makeup niya na inabot ng isang oras.

“Thanks, Julius. You don’t look too bad yourself,” ang comeback ni Sheryl. Naisip niya na he smells nice too pero nag-withhold naman siya ng compliment. Kanya na lang yun. Huwag daw ibigay ang lahat sa lalaki, bilin ng mommy niya. Sa compliments, sa lahat. Baka mas malalim pa ang kahulugan ni Mommy, a.

Salamat. Ang tagal kong nagpa-parlor kaninang umaga para ma-achieve ang look na ‘yan,sabi ni Julius sabay tawa. Nag-boses bading ito pero hindi bagay.

Ayaw umamin ni Sheryl kung gaano siya katagal nag-ayos nung umagang iyon. Masyadong na kasing nag-ca-cartwheels ang puso niya.

“Stop over tayo sa gas station paglampas ng C-5,”  sabi ni Julius, na hindi pa rin inaalis ang kamay niya.

May authority. Hindi nagtatanong. Take-charge kinda guy. I like, naisip na naman ng inner Sheryl ni Sheryl.

Ang kahabaan ng biyahe ay naging memorable dahil sa mga baong OPM ni Julius, sa malamig na tinig ni Sheryl, at sa anticipation sa first wedding na official launching ng love team nila.

(Ano, bitin na naman? Abangan na lamang ang susunod na kabanata. – E.)

Isang Linggong Paghihintay (Housewife Series, Part 2)


(Basahin muna ang unang bahagi, Pang-housewife Ako e, Bakit ba? Ito ang karugtong matapos ang maraming hiling ng mga nagbasa’t nabitin sa kilig. Kaya lang hindi na ito nakakakilig masyado. Ang updated kuwento ay nasa link na Kwentong Housewife (Daw)– E. )

II.

Natakot nga ba si Julius? Bibisitahin nating muli kung bakit tinapos agad niya ang makasaysayang first date nila ni Sheryl. Ngunit bago iyon, tingnan muna natin kung totoo nga bang career na lang ang inasikaso ni Sheryl at nakalimutan niya na kaagad si Julius, o press release na naman iyon.

Bakit hindi pa siya tumatawaaaaag?” atungal ni Sheryl habang nakadapa sa kama sa guest room ng best friend niyang si Pauline. Hindi siya pinapansin ng kaibigan, nasa telepono ito. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang ihatid siya agad-agad ni Julius, na para bang napaso sa kanya at isinoli siya sa Nanay at Tatay niya. Feeling ni Sheryl, puwede nang umasang tatawag si Julius, following the three-day rule in her dating books. Pero epic fail ang feeling na ito dahil hindi tumawag ang magaling na lalaki, kaya sa halip na umuwi galing sa trabaho ay tinawagan niya si Pauline at muling nagpaampon dito. Kailangan niya ng kausap.

Francine, pumunta ka na rito please, tulungan mo ako, sasabunutan ko na itong babaeng ito e,” sabi ni Pauline, na hindi matiis si Sheryl pero gustong tumawag ng genmeet ng buong barkada.

Ang sakiiiiit,” patuloy na monologue ni Sheryl. Nasa second floor naman ang inaanak niya at malamang, mahimbing na ang tulog kasama ang daddy nito at hindi naiistorbo sa kanyang pagdadalamhati.

Ang sabi ni Francine, tigilan mo na  ‘yang kaiiyak mo. Ni hindi umabot ng isang linggo ang pag-ibig niyo, kaya please lang, stop the drama!” report ni Pauline. Naisip niya na ring tawagan ang mga kaibigan nila sa States at Singapore dahil sa dalawang kagimbal-gimbal na pangyayari: una, na nakipag-date at nahulog agad ang mapiling si Sheryl sa ka-date niya; at ikalawa, na heartbroken ulit ito na parang noong high school lang. Hindi kayang i-handle ni Pauline mag-isa ang nagngangawang kaibigan, dahil hindi na siya sanay.  Dati-rati, pinipili ni Sheryl maging tigang kahit pa Valentine’s Day, huwag lang magmukhang tanga dahil sa pag-ibig.

Hindi naman true love yan, oy!” Dagdag ni Pauline. “You’ll scare men away if you fall in love after the first date! Sasabihin nila, kakaibang nilalang ka, Sheryl.”

Humarap si Sheryl kay Pauline sabay sabi, “Thank you ha! Yun na nga ang nangyari. Natakot na sa akin, okay? I am a disgrace to all women!

Ah, may lagnat ba si Anna? O sige na nga, huwag ka nang sumugod dito. Wala na lang sisihan pag nasampal ko itong kaibigan natin ha. Ok, bye.” Tinapos na ni Pauline ang pag-uusap nila ni Francine, na kailangang mag-alaga ng maysakit nitong anak, at hinarap na si Sheryl.

Nakalabi si Sheryl. “Ang lupit mo naman. Ilang beses mo ba akong nakitang ganito? Minsan-minsan lang ako mag-date, ganto pa ang napala ko. Hindi ka ba naaawa sa akin? I don’t want your pity pala. Don’t you at least feel my pain?

Kunyari lang namang nanggigigil si Pauline kay Sheryl. Kaya sila mag-best friend ay dahil siya palagi ang kalmadong boses sa makulay na mundo ni Sheryl.

I just hate seeing you like this. Hindi ba natin ‘yan madadaan sa kanta? O sa single malt whisky?” alok ni Pauline. Best friend din ni Sheryl si Carlo, ang asawa ni Pauline, lalo na sa inuman. Pwede niyang gisingin iyon maya-maya.

I don’t understand. Okay maybe I do understand, na ganoon talaga, paasa ang mga lalaki, dalubhasa sa pambibitin, but I don’t want to. Ang labo ko, ‘no?” Gulung-gulo pa rin si Sheryl.

Gusto mo bang sagutin ko ‘yan? Wait, may gustong makipag-Facetime. Si Larissa, umaga na sa States, ayan may bago ka nang kukuwentuhan. Check ko muna yung mag-ama ko sa taas.” Sabay abot ni Pauline ng iPad Mini niya kay Sheryl, na nagpunas ng luha para hindi naman mukhang sawi sa pag-ibig.  Pero halata pa rin dahil mugtong-mugto ang mga mata niya.

Sa pagkukuwentong ilang beses naputol ng hagulgol, inulit ni Sheryl kay Larissa kung bakit na-text niyang The One si Julius, at ang mga nangyari, o hindi nangyari, pagkatapos ng deklarasyong iyon.

Ang hindi alam ni Sheryl ay naisama niya sa group text si Julius. Iyung text na nagsabing he’s the one. Yup, that text. Hindi kasi niya sa Facebook group ng barkada inilagay, kundi sa iMessage, kasi naisip niya mas mabilis mababasa ng mga kaibigan niya ito dahil lagi nilang hawak ang mga Apple gadgets nila. Dahil wala sa sarili, hindi niya napansing naisama niya si Julius sa mga recipients.

Kaya hindi na tayo magtataka kung bakit natakot nga si Julius.

“Sa lahat ng ayaw ko p’re, sa mga babae, yung bawa’t bagay naka-report agad sa mga kaibigan nila e. Yung parang di-nate mo na ang buong barkada nila,” reklamo ni Julius kinabukasan kay Alex nang mangamusta ito, pagkatapos ng “makasysayang first date.”

Whoa, hindi ito ang ine-expect kong marinig sa iyo,” sabi ng gulat na Alex. Akala niya magpapatulong nang mang-harana si Julius pagkatapos ng isang gabing kasama si Sheryl. Ano nga ba ang nangyari kagabi? “Disaster ba, p’re? Di ka nag-enjoy? Masyadong pakipot?” Sunud-sunod na tanong ng hindi-makapaniwalang Alex.

Hinde. Sobra kaming nag-enjoy. Ayoko na ngang ihatid pauwi e,” sagot ni Julius, na naalala ang mga sandaling gusto niyang halikan si Sheryl pero nagpigil siya.

Ayun naman pala e. So bakit mo nga hinatid? Nagyaya ba?” naghihintay ng paliwanag si Alex.

Ang dami mo namang tanong,” paiwas na sagot ni Julius. Ayaw niyang ikwento sa iba yung sinabi ni Sheryl sa mga ka-text niyang kaibigan. Ayaw niya rin palang mapahiya si Sheryl. Kahit kay Alex.  Protective pala siya.

O sige wala nang NBI investigation. Women talk, sabi ng misis ko. Don’t take it against Sheryl kung palaging nagtetext habang magkasama kayo, malamang ikaw naman ang topic nila.”

“Yun nga ayaw ko e.”

“Ito lang ang sasabihin ko, halos naka-giftwrap na para sa iyo si Sheryl. Ang reputasyon niyan, mapili pa sa mapiling ina. Pihikan! Tapos nag-enjoy sa date niyo? Huwag mo nang pairalin ang tigas ng ulo mo. Tapusin na natin ang Great Bachelor Days ni Julius Gomez. Ginto na ‘yan, hindi pinapalampas,” para sa man of few words, napabira ng sermón si Alex, na dati-rati ay tameme lang kay Julius. “Tawagan mo na,” diin nito.

Hindi pa rin tumawag si Julius kay Sheryl. Parang ayaw niya ng sakit ng ulo.

High maintenance e,” kwento niya kay Michelle, ang kapatid nyang sumunod sa kanya, na nangamusta tungkol sa date niya nung dumaan siya para dalawin ang mga pamangkin niya. “Hindi ko kayang bumuhay ng ganoon.

Bakit naman pagbuhay at parang pagpapakasal na ang nasa isip mo, first date pa lang? Siguro type mo ‘no, kaya may I examine my networth ka agad diyan?” sagot ni Michelle, sabay siko sa kanyang kuya. “Maganda ba? Sino’ng kamukha? Marian Rivera? Angel Locsin? Kim Chiu?

Ipinakita ni Julius kay Michelle ang picture ni Sheryl. Hinampas siya nito sa braso sabay sabing, “Ano’ng problema mo, kuya? Sobrang ganda nito! Buti pinansin ka!”

Nakaka-tempt ikwento kay Michelle na, hindi lang pinansin, siya pa ang “The One” ni Sheryl, pero may pumigil na naman kay Julius. Parang gusto niya munang sarilinin ang bagay na iyon, kahit iyon ang dahilan kung bakit tinapos niya kaagad ang “makasysayang first date.”

Iyon nga ba?

Habang nagda-drive pauwi, nag-isip si Julius. Alam niyang bugso lang ng damdamin ni Sheryl iyong na-text niya at hindi totoo. Kaya niyang palampasin iyon. Pero marami ring telltale signs kaya hindi niya dapat tawagan ulit si Sheryl.

Si Sheryl, handa na yata iyon sa serious committed relationship. Nasa tipo e. Parang hindi nakikipaglokohan basta-basta. Ayaw ng laro-laro lang.

Siya, si Julius, ay hindi pa handang mag-seryosong relasyon. Masaya lang siyang mag-buhay binata. Gusto niya lang ng padate-date. Girlfriend pwede rin, pero kapag nagiging demanding at clingy, iniiwan na niya. Ayaw niya sa mga babaeng clingy! Yung binabantayan lahat ng kilos niya, sino kausap niya, saan siya pupunta.

Pero kinabahan din siya nung nagsabi si Sheryl ng “take it one step at a time” at huwag na silang mag-“best foot forward,” bago sila umakyat sa condo niya. Ang daming assumptions ng statement na iyon, at kahit totoo, hindi siya handang umamin.  Kasi yung statement na iyon, parang nasa Chapter Ten na ng libro. Si Julius, nasa prologue pa lang. Masyadong advanced mag-isip si Sheryl. Nakakatakot.

Kung bakit naman nakalipas na ang tatlong araw, nasa isip pa rin niya si Sheryl. Anong pabango ba ang ginamit nun? Jo Malone? Viva la Juicy? Hinahanap-hanap niya. Kahit sa opisina, e hindi naman nakarating si Sheryl sa opisina niya.

Sa radyo, Miyerkules na Miyerkules, puro lumang tugtugin ang pinapaptugtog sa paborito niyang istasyon. Meron pang linshak na “OPM Hour.” Sinimulan ng DJ sa Apo Hiking Society.

There I was, an empty piece of a shell,
Just minding my own world;
Without even knowin’ what love and life were all about
Then you came,
You brought me out of the shell;
You gave the world to me
And before I knew, there I was so in love with you

You gave me a reason for my being
And I love what I’m feelin’
You gave me a meaning to my life
Yes, I’ve gone beyond existing
And it all began when I met you

Anak ng… nahuli na lang ni Julius ang sarili niyang kumakanta! Buti walang nakakita at nakarinig. Pero traffic, baka pinagtinginan siya ng mga driver at pasahero sa ibang sasakyan sa EDSA.

Kinulam yata siya ni Sheryl! Usually isang tulog lang, nakakalimot na siya pagkatapos ng first date. Pag dinesisyunan niyang ayaw na niya, ayaw na niya. E bakit ngayon may pakanta-kanta pa siya ng “When I Met You?” Masamang senyales ito.

Balikan natin si Sheryl na nagluluksa sa bahay nina Pauline at Carlo. Gising ang mag-asawa at nagbukas na ng Macallan single malt whisky si Carlo, para kay Sheryl.

“Mag-leave ka na lang bukas. Masama uminom kapag masama ang loob,” paalala ni Carlo.

Can’t afford to. Baka half-day ako. O work from home,” sagot ni Sheryl habang nakatitig sa baso niyang may tatlong pirasong yelo at isang shot ng whisky. “Ang tipid mo naman maglagay. Dagdagan mo pa, bilhan na lang kita ulit sa Duty Free,” pakiusap niya kay Carlo.

Tatayo sana si Carlo pero pinigilan siya ni Pauline na i-top up agad ang baso ni Sheryl. Sa pamamagitan ng tingin. Nakukuha si Carlo sa tingin ng asawa niya

Sheryl, don’t let this one guy and one date affect you this much. He’s not worth it! Ano na lang sasabihin ni Georgia pag nalaman niyang nagkakaganyan ka at baka napapabayaan mo pa ang work mo?” Hindi alam ni Pauline paano mag-react. Sila rin naman kasi ang nagtutulak kay Sheryl na makipag-date na at bawasan ang pagka-pihikan sa lalaki.

Si Georgia ang feministang kaibigan nila, na naka-assign ngayon sa Singapore. Gabriela Silang iyon sa tapang, at galit sa lahat ng lalaki. Ang dahilan – iniwan siya ng boyfriend niya noong college pa lang sila. At single mother si Georgia. Prangka at hindi marunong magpigil ng dila niya basta sa ikabubuti ng mga kaibigan.

Alam niyo naman effect ng Macallan sa akin. Inaantok ako. This will help me sleep. I can’t deal with Georgia tonight, please. Huwag mo nang i-inform na andito ako at tiyak na tatawag yun,” sagot ni Sheryl. Kung minsan, nakakatulong ang maraming kaibigan. Kung minsan, mahirap kasi kailangan mong pakinggan ang mga nagbabagang opinyon nila. Lalo na ni Georgia.

I don’t know what came over you, Sheryl. This is so unlike you at all,” puna ni Pauline.

Umiling-iling din si Sheryl. “Hindi ko rin alam anong tumama sa akin, Pauline. At hindi ko maintindihan kasi parang sobra naman kaming nag-connect. Parang tuwang-tuwa naman siya sa akin at ayaw akong lubayan ng titig at, medyo touchy siya ha. Hinayaan ko naman. Promise, hindi ako nagpaka-manang.

Baka naman kailangan lang ng space nung tao,” singit ni Carlo. “Para mag-isip. Baka he had Too Much Sheryl – you can be intimidating, you know.”

Pinanlisikan ng mata ni Pauline si Carlo na parang nagsasabing, you’re not helping my depressed friend right now.

But that’s just it. While other guys I’ve dated seemed unable to handle me, Julius appeared to be into me, to appreciate me. At the very least, I thought he’d want us to see each other again. Hindi yung ganito, kasisimula pa lang, ending na agad. It doesn’t make sense. Feeling ko, gandang-ganda sa akin. Aliw na aliw sa akin.”

Baka player. Tapos nakitang hindi ka pwedeng lokohin. Hiritan mo ba namang gusto mong maging housewife. Talagang you dared him to see you as a wife and you made it clear that what you’re looking for is not just a husband, but a good provider. Pile on the pressure, kung baga. At kaming mga lalaki, ayaw ng pinangungunahan kami. Sa unang date alam mo ba, physical lang ang pinag-uusapan diyan.” Si Carlo ang matiyaga sa mga asawa ng barkada para magpaliwanag ng male perspective, kaya close sa kanya si Sheryl.

Talaga? Hindi ba pwedeng pagkatapos ng physical attraction, meron ding iba pang connection? Intellectual stimulation? Emotional investment, kahit kaunti?

Depende sa lalaki, pero last nilang haharapin ang feelings. This guy sounds like he’s having too much fun being in control of his life, and you were a threat to that, so he could either be taking his time, or moving on.

How will I know?” tanong ni Sheryl, na parang naubusan ng talino at nalalaman sa mundo.

Hintayin mo. Bigyan mo ng isang linggo,” sagot ni Carlo. “Maganda yung may deadline. Pagkatapos noon, hindi ka na namin paaasahin. Ipahaharap ka na namin kay Georgia kung mag-pine ka pa sa Julius na iyan kung hindi ka niya tawagan matapos ang one week.

“Ang hirap naman. Torture!” Gusto ni Sheryl mag-leave nang isang linggo. Mag-novena sa Quiapo. Pumunta sa Manaoag. Surely, a man like this is worth praying for. Or fighting for. Pero hindi niya tatawagan. Iyon ang major no-no sa lahat. Mali na ngang nag-text siya kaagad kinabukasan e. Nangingilabot pa siya pag naalala niyang nagawa niya iyon. Lyrics pa ng kanta. Ang baduy-baduy!!! No wonder nasungitan siya ni Julius sa text.

Iyon ang pinakamahabang isang linggo ng buhay ni Sheryl.

Ikapitong araw matapos ang “makasaysayang first date,” habang nag-aalmusal ng cereal at gatas, at walang kamalay-malay na deadline na niya sa barkada ni Sheryl, naisip ni Julius paano kung paggising niya, nakaluto na ang almusal niya– paborito niya ang tapsilog sa umaga kaya lang nakakatamad — at kung may nag-brew na ng kape. Naisip lang niya bigla, na baka masarap iyon.

“Maid ang kailangan mo kuya, hindi girlfriend,” na-imagine niya ang boses ni Michelle kung babanggitin niya ang naisip niyang iyon.  Inilagay niya sa mute ang boses ni Michelle bilang konsensiya niya at naghanda na papasok ng office.

Tinawagan siya ni Alex nung lunch break.

P’re, malapit na ang kasal nina Janine at Raymond. Kailangan mo ng ka-date.”

“Oo, isa na namang tumiwalag sa barkada yang si Raymond. Bumigay din.”

“Tinawagan mo na ba si—“

“Tama na, Alex. Hindi bagay sa ‘yo ang matchmaker. Don’t worry. I’ll find a date for the wedding. Tagaytay din iyon, hindi ko sasayangin ang lokasyon.

“Nag-book kami ni Joanne ng bahay sa may Nasugbu sa weekend na iyon. Ayoko kasing mag-drive nang balikan, at para maipasyal na rin ang mga bata. Dun ka samin tumuloy, at nang makainom din tayo. Pero kung may ka-date ka, bahala ka na sa buhay mo. Unless, si Ma’am Sheryl ang isasama mo.

Parang nauubusan na ng excuse si Julius para hindi tawagan si Sheryl. Parang hindi rin niya maisip sinong babae ang madadala niya sa kasal, ipapakilala sa mga kaibigan, isasakay sa kotse niya, kundi si Sheryl.

Blackmail naman iyan, p’re. Halatang-halatang may misyon ka e. Kung mag-second date man kami, sa kasal agad? Baka lalong magka-idea iyon.”

“Hindi gano’n si Sheryl, ‘no. Matalino naman iyon, at hindi nagmamadaling magpakasal. Kailangan ka pa niyang padaanin sa butas ng karayom. Mabuti nga yun at nang makilala niya ang buong barkada. Makita niyang may mga kaibigan ka naman pala kahit na minsan, emotionally constipated ka. Sino ngang ex-girlfriend mo ang tumawag sa iyo ng ganon?” Natawa si Alex nang maalala niya ang bansag ng ex ni Julius sa kanya, matapos nitong makipag-break ng Disyembre. Doon kasi magaling si Julius dati, sa pagpipigil at pagtatago ng damdamin. Pero umaasa si Alex, naniniwala siya, na sa bait ni Julius, hindi ito likas na babaero. Hindi pa lang niya natatagpuan noon ang babaeng magpapatino sa kanya.

“Hindi ba parang too late na, isang linggo na ang nakakalipas e. Baka na-delete na ni Sheryl ang number ko, o kaya baka nagalit kasi ang tagal ko bago tumawag?”

Huwag mo na akong tanungin, tawagan mo na! E kung hindi ka sagutin, di hindi. Basta, may isang room na kaming ilalaan ni Joanne sa inyo sa Nasugbu. Kung malasin ka naman, pwede ka sa sala, at sa room si Sheryl. Hahaha,” pang-aasar ni Alex, na alam nang tatawagan ng kaibigan niya si Sheryl. Tapos na ang pagninilay-nilay nito. Malamang natatauhan na.

Hindi na halos makapag-concentrate sa trabaho si Julius. Ayaw naman niyang mag-text. Pagsampa ng alas-singko, lumabas na siya ng opisina, at tumawag kay Sheryl habang nasa parking lot. Hingang malalim.

Nasa meeting si Sheryl nang makita niya ang phone niyang umiilaw. Picture ni Julius ang lumabas, at ang ipinangalan niya rito sa iPhone niya ay “Julius, Last Day mo na.”

Hindi niya sinagot ang tawag at nag-text na lang siya, “In a meeting. Let you know when I’m done.

Iyon na yata ang pinakamatagal na dalawang oras sa buhay ni Julius. Nag-drive siya pauwi. Umorder ng take-out at kinain nang mabilisan. Hindi niya halos nalasahan ang pizza kahit super hot ang pinili niya. Sheryl, mag-text ka na.

Eksaktong alas-siyete nang tumunog ang cellphone niya. “Hi. Meeting just ended,” text ni Sheryl.

Hindi na niya nakuhang maghintay, pinindot agad ni Julius ang call.

Ring, ring. Nag-panic siya. Ano’ng sasabihin niya? Baka humingi ng paliwanag kung bakit siya naglahong parang bula. Sasabihin na lang niya, busy siya. Totoo naman. Busy siyang kakaisip kay Sheryl nang isang buong linggo.

Hello?” sinagot ni Sheryl matapos ang pitong ring. Pito.

Hello! Sheryl, si Julius ito.

Sinong Julius?” Tapos, katahimikan.

Patay. Mukhang mahihirapan siya rito. Pumikit si Julius at hindi na nakaisip ng mga palusot at pambobolang gumagana sa lahat ng ibang babae.

Si Julius, yung engot na ngayon lang tumawag sa iyo,” simpleng sagot niya.

Naalala ni Sheryl ang mga sinabi ni Georgia nung isang gabi lang sa Viber, habang nakatitig siya sa mga kandilang sinindihan niya sa kwarto niya at nagpapalipas ng ikaanim na araw ng pagkawala ni Julius sa buhay niya.

Sanay ‘yang lalaking ‘yan na siya ang hinahabol at pinipilahan. Lumayo ka riyan! You’re worth more than that. A man should know daig pa niya ang nanalo sa lotto ‘pag pinili ka niya, Sheryl. Hindi yung parang naghe-hesitate siya at nag-aabang pa ng ibang pagpipilian. You’re much too good for him, my friend.” Iba talaga ang mga babae kung mag-analyze. Buong pagkatao ni Julius, nahusgahan na ng barkada ni Sheryl.

Pero si Sheryl, naniniwalang may pag-asa pa sila. Na kapag humingi ng second chance si Julius, hindi niya matitiis, pagbibigyan niya. Papahirapan niya muna, though. Aba, kailangang makasigurong hindi na ulit gagawin ng Julius na ito ang disappearing act niya. Nakakaloka yun.

Oh, that Julius. Yung Martian,” cold and distant ang balak na tono ni Sheryl, pero bakit parang ang lambing ng lumabas na boses sa kanya? Nakakainis.

Yan ba ang bansag mo sa akin? Sabagay, kamukha mo naman si Venus,” ayun, old habits die hard. Makabola lang. Pero sana seryosohin.

I’m sure 99% of the time, nagwo-work ‘yang mga linya mo. I’m not amused right now, though.” Kapag galit si Sheryl, napapadalas ang Ingles. May galit din kasi siya kay Julius. Naman, one for the books ang pambibiting ginawa nito. If he wants a second chance, he has to earn it.

Sheryl, sorry I didn’t call sooner.” Wala siyang masabing dahilan. Wala. “But I’m calling now to ask you if you would be my date for a wedding. Ikakasal yung kabarkada naming ni Alex next week, sa Tagaytay.”

Ano yung nararamdaman ni Sheryl? Luha? Pinigil niya ito, mamaya na ang emote. Kailangan niyang pag-isipan ang sagot. She tried to break down Julius’ words into bite-sized pieces.

Sorry raw. Pero walang excuse kung bakit hindi tumawag.

Tapos, nagyaya ng second date.

At ang second date, sa wedding.

Sa Tagaytay, the most romantic place she could think of right now.

Naisip ni Sheryl, kailangan niyang mag-shopping. Ng isusuot. Sa kasal.

Hi you still there?” Tanong ni Julius, na umaasang hindi mabalasik ang sagot ni Sheryl.

“Hang on, I’m trying to process what you just said. I mean, wala naman akong karapatang umasang tatawag ka, o magtanong kung bakit mo ginawa o hindi ginawa ang mga bagay-bagay…”

Here we go, Julius thought. He deserved this, naisip niyang sasabihin ni Michelle sa kanya.

Nagpatuloy si Sheryl, “But can you give me a minute to think it over?” A minute? Dapat sinabi niya she’ll sleep on it. Pambihira. Pero hindi na nabawi ni Sheryl ang nasabi na.

Sa Chapel on a Hill ang wedding, tapos ang reception naman sa…” at nag-blangko ang utak ni Julius. Hindi kasi niya hawak ang imbitasyon, at fancy yung pangalan nung venue kaya hindi niya maalala. “Sa malapit lang din doon. Hapon ang kasal,” dugtong niya. “Masaya yun, may surprise number ang barkada sa reception. Kakantahan naming ng medley ng harana songs yung bride. Kami rin kasi ang nag-harana nung nililigawan pa lang si Janine ni Raymond.

So, makikilala ko ang mga kaibigan mo? Hindi ba too much too soon iyon?” Patay. Ano na naman ito, espirito ni Georgia na nag-possess sa kanya para maging bitchy?

May nagsabi sa akin, let’s take it one step at a time. Ito, one big step for me, Sheryl.” Nandoon na ang pag-amin. Julius meant every word. Sheryl put several meanings in between the lines, pero nagpigil din siya.

“Pwede namang baby steps muna. Sasama ako sa iyo sa wedding, sige. Pero, hindi mo ba ako ililibre  muna ng kape?” Hamon ni Sheryl.

Asan ka ba?” Nagalak si Julius na hindi pa siya nagbibihis ng pambahay. Makakaaalis siya in, like, two minutes.

Nasa office. Sa Ortigas.

Iyon na yata ang pinakamabilis na pagmamaneho ni Julius mula Pasig hanggang Ortigas. Pagdating niya sa driveway ng building nina Sheryl, naghihintay na ito sa kanya. Nakangiti.

Hindi muna nag-update si Sheryl sa barkada. Papagalitan siya ng mga iyon bakit ang bilis niyang tinanggap ulit si Julius. Kaya naman niyang pangatawanan ang desisyon niya. Pasok naman sa deadline ang tawag nito. Wala mang paliwanag, hindi na niya kailangan iyon sa ngayon.

Pagsakay niya sa kotse ni Julius, nag-kiss siya na parang girlfriend lang.

Ang misteryo ay kung paano pa nakapag-maneho si Julius, dahil umikot ang tingin niya nang matapos bumati si Sheryl.

Tama na ulit ang simoy ng hangin. Totoo nang naaamoy niya ang pabango ni Sheryl, at hindi imahinasyon lang.

Alam na niya ang mga kakantahin ng barkada pag hinarana nila si Sheryl. Puro Tagalog. Para tagos sa dibdib.

WAKAS. (Sa ngayon….)

Pang-housewife Ako e, Bakit ba?


Part One ito ng nadagdagan ng kwento, matapos magreklamo ang mga nabiting mambabasa. Pakibasa ang updates sa link na Kwentong Housewife (Daw). –  Maraming salamat! E.

 

Gusto kong maging housewife,” sabi ni Sheryl. Muntik nang mabilaukan si Julius.  Hindi lang niya pinahalata. Pinatuloy niya ang pag-nguya sa Wagyu steak na in-order niya para ma-impress si Sheryl. Kaklase naman niya ang may-ari ng restawran kaya medyo may discount siya rito.

First date pa lang nila at todo pa ang pagpapapogi ni Julius. Ang sabi kasi ng common friend nilang nag-setup ng blind date, sosyal daw si Sheryl. At matalino. At maganda. “E bakit single pa?” tanong ni Julius sa kaibigan niyang si Alex noong pinaplano pa lang ang date. “Suplada ano?” dagdag pa niya. Medyo matagal bago sumagot ang Alex. “Hindi naman sa suplada…. Ano, mapili lang,” ang sagot nito sabay pakita sa kanya ng picture.

Hindi maikakailang maganda siya sa picture, pero naisip ni Julius, baka angle lang iyon. Hindi rin kapayatan, pero maganda na rin ang katawan, at least sa picture. Magaling ang kumuha, o alam lang ng babaeng ito kung paano i-highlight ang profile niya sa camera. Mahirap maniwala agad basta-basta sa picture lang sa panahon ngayon. Kailangan i-assess nang malapitan, yung walang filter o Photoshop na nakialam.

Nakuuu, pinapahamak mo ba ako?” urirat ni Julius sa kababata niyang officemate naman ni Sheryl.  “Maniwala ka sa akin, p’re, bagay kayo. Sa tingin ko, papasa ka sa standards nito,” tiniyak ni Alex. “Ikaw yata ang pinakagwapong electrical engineer sa Meralco,” sabi pa nito sabay inom ng malamig na Pale Pilsen na kinuha niya sa pridyider sa condo ni Julius.  Iniidolo ni Alex si Julius dahil hindi ito nakatapos ng pag-aaral. Maagang nag-asawa si Alex, nakabuntis kasi ng minamahal niyang girlfriend, at napilitang bumuhay ng pamilya kaagad, at sa sales siya napunta.

Si Julius naman, dahil may angking talino, katulad ng karamihan sa mga panganay sa mga lower middle class na Pilipino, ay nagsikhay para tumulong sa pagpapaaral ng lima niyang kapatid. Kaya naman lampas treinta na ay hindi pa rin siya lumalagay sa tahimik. Kinukulit na siya ngayon ng kanyang mga magulang, kapatid, at pamangkin upang mag-asawa. At si Alex, buong buhay nila ay naghahanap ng makakapareha ni Julius. Sa dami ng dine-date nito, walang tumatagal na girlfriend. Alam ni Alex kung sino ang dahilan – si Julius din naman. Tapos na ang mga responsibilidad nito at malamang, ang nananaig, ay ang takot sa commitment at buhay may-asawa, dahil sa mga nakikita niyang pinagdaaanang hirap nina Alex at iba pa nilang kabarkada.

Ito na nga ba ang babaeng katapat niya?  Marketing manager si Sheryl sa isa sa pinakamalalaking multinational corporations sa bansa. Mga limang brand na ang hawak niya sa ngayon. Dahil sa sipag at tiyaga sa pagtatrabaho, hindi masyadong naasikaso ang lovelife. Mas hilig niya pa raw ang mag-tour sa iba’t ibang bansa kasama ang mga kaibigan, ayon sa press release ni Sheryl. Ang totoo ay hindi lang siya basta-basta nagkakagusto sa lalaki. May listahan siya talaga at ayaw niyang bawasan ang mga katangiang hinahanap niya. Kahit nagsipag-asawa na ang halos lahat ng mga kaibigan niya at ninang na siya ng mga anak nila, sikat na si Sheryl sa pagiging mapili niya.

O, bakit parang hindi ka naniniwala?” nakangiting tanong ni Sheryl habang kumakain ng Caesar’s salad. Iyon lang ang in-order niya at parang walang ganang kumain, pansin ni Julius.  Hindi alam ni Julius, kasama ang linyang ito sa test ni Sheryl sa mga dine-date niya. Depende kung paano silang mag-react sa kanyang pangarap, oo, tunay na pangarap niya ito, na maging ganap na maybahay, ay nakikita niya kung bagay sila o kung gugustuhin pa niya ng pangalawang date.

Ha, ano, hindi. Iniisip ko parang sayang naman ang talino mo at ang career mo kung magiging housewife ka lang,” sagot agad ni Julius. Paano ba niya maipaliliwanag ang pagkagulat niya? Hindi niya maubos-maisip kung paanong si Sheryl, na naka-branded malamang mula ulo hanggang paa, na amoy French perfume (hula lang naman niya na French, ang bango kasi) at naka-manicure ang kamay (pati siguro sa paa, pedicure yata ang tawag doon, sabi ng mga kapatid niyang babae), na nangingislap ang alahas, na maganda ang makeup, kung paano ito mabubuhay bilang isang plain housewife. Parang kailangan bilyonaryong may-ari ng TV station ang asawa nito para mapasaya siya. Hindi niya sinabi lahat itong naisip niya dahil baka mag-walkout ang kausap niya. Tinanong na lang ulit niya si Sheryl, “Ayaw mo ba talaga ng pasta man lang? Baka hindi ka mabusog sa salad!”

Natawa na lang si Sheryl. Ano baaa? Naisip niya. Ang hirap naman amining hindi sya makakain pag nasa date, lalo na kapag guwapo ang ka-date niya at mahusay manamit.  Naalala niya noong may boyfriend pa siya noong college, ang payat-payat niya at ang sabi, para raw siyang ibon kung kumain. Wala lang talaga siyang gana kumain pag in-love.  Pero hindi pa siya in-lab kay Julius. Hinde! Masyado lang mabilis ang train of thought niya. Kailangan niyang habulin. Rewind, rewind. Tanggihan ang order. Ngumiti at manatiling maganda.

“Ok na ako dito, may chicken strips naman, atsaka sayang ang Zumba toning class ko kung ikakain ko lang. Sa gabi talaga, light meal ako,” sabi ni Sheryl habang pilit nagsubo ng croutons at bacon bits. Pero parang gusto niyang um-order ng wine. Bigla lang.

E wine, nakapili ka na ba?”  Kanina pa umiinom sa baso niya ng Merlot si Julius, pero nahirapang pumili si Sheryl. “Gusto mo tulungan kitang pumili ng masarap?”

Anong pagpapanggap ito, Sheryl? Tanong niya sa sarili. Napakadalas niyang uminom ng wine. Hindi lang talaga umaandar ang utak niya ngayon. At parang nabasa ni Julius ang utak niya! In sync nga ba sila? Shucks, kilig moment ito. Ang sarap i-message ang mga kaibigan niya, pero alam niyang bad manners iyon pag nasa dinner date.  Parang tama si Alex,  yung taga-Sales department na nag-match sa kanila ni Julius. May dating ang kaibigan niya. Balita ni Sheryl, marami nang babaeng lumuha sa paghihintay dito. Kinabahan siyang bigla. Ayaw niyang maghintay. Ayaw niyang lumuha. Kailangan niya ng wine.

“Sige nga, please choose for me,” sabi niya. Naisip niya rin, dahil hindi sya ang magbabayad, hahayaan na niyang si Julius ang magdesisyon. Tinawag ni Julius ang waiter at sinabi ang order. “One glass of Chardonnay for the lady, please.” Pag-alis ng waiter, sabi ni Julius, “Mas maganda pa ang bihis sa akin nung waiter kaya napa-Ingles ako.”  Natawa si Sheryl. Maganda ang tawa niya, hindi masyadong mahinhin, hindi masyadong malakas. Sakto lang. Ito ang hirap sa first date, napansin ni Julius. Lahat pinupuna niyo sa isa’t isa. Para kayong may checklist ni Santa Claus. At best behaviour kayo dapat.

Ang piniling brand ni Julius, hindi yung pinakamahal, pero full-bodied kaya bagay sa grilled chicken breast na nasa salad niya. Pogi points ito para kay Sheryl. Umandar ang mental calculator. Check sa list – importante sa kanya ang confidence mula sa isang lalaki.  Kung ano naman ang koneksyon ng kaalaman sa wine at confidence ay hindi nya maisip sa sandaling iyon. Malamang kinikilig lang siya kaya parang sumasang-ayon ang mga ipinapakita ni Julius sa listahan niya. Tumingin siya sa relo. Halos isang oras pa lang silang magkasama. Magaan na kaagad ang loob niya. Hmmm….

So, balita ko, mahilig kang mag-dive,” simula ni Sheryl. Ang sabi kasi ng lahat ng magazine at ng mga kaibigan niya, dapat, yung lalaki ang pagkwentuhin at makinig lang siya muna. Gusto raw nila ito.

A, oo. Lalo na nung mga single pa yung mga kabarkada namin ni Alex. Halos every weekend! O kung kelan sweldo, kasi mahal noon para sa amin eh. Ikaw, do you dive?”  Umasa si Julius na oo ang isasagot ni Sheryl. Pero ok lang kung hindi. E di siya ang magdadala kay Sheryl sa mga dive spots!  At tutulungan niya itong mag-enroll sa kilala niyang mahusay na diving school.

“Hmm, ang na-try ko pa lang, helmet diving sa Boracay,” sagot ni Sheryl. “And don’t tell me because I already know na old school o baka nga hindi totoong diving iyon. Pero noon pa lang parang umandar yung mild claustrophobia ko. Isa ako sa unang umahon sa grupo.”  Para sa iyo, susubukan ko ulit, ang naisip ni Sheryl pero itinigil na niya doon, at baka magmukha siyang overeager.  Parang katiwa-tiwala kasi ang hitsura ni Julius. Parang na-iimagine niyang pwede silang pumunta sa beach, tapos mag-hire ng bangka, dala ang dive equipment, tatalon sa gitna ng malalim na tubig,  kukuha ng shots mula sa underwater camera, habang safe ang pakiramdam niya, kasi si Julius ang bahala sa kanya. Ewan naman paano niya naisip iyon sa sandaling pagkakakilala nila. Naka-steroids yata ang imahinasyon niya ngayon. Mabuti dumating na ang Chardonnay at na-distract ang pagde-daydream ni Sheryl sa kalagitanaan ng kanilang date.

Natakot naman si Julius na pilitin si Sheryl kung ayaw nitong mag-dive. Pero sa tingin niya, kayang harapin ang mild claustrophobia.

Sabi sa akin ni Alex, sa isang bagay tayo magkakasundo. Mahilig kang mag-gitara, at mahilig akong kumanta,” hirit ni Sheryl, na may listahan talaga ng common interests nila.

Natuwa si Julius. “Ganoon ba, anong sabi sa iyo tungkol sa pag-gigitara ko?”

Expert ka raw. Kaya mo raw ang Guns ‘n Roses, Mr. Big, Sting…

Kilala mo ang music nila?” napahanga si Julius. Hindi mukhang fan ng rock music si Sheryl. Sa kasosyalan nito, parang classical at jazz music lang ang tumutugtog sa iPod niya. Mukhang magkakasundo nga yata sila.

“May apat akong kuya. Pinagdaanan ko ang Van Halen, Bon Jovi, pati Nirvana at Metallica.”

“So pag tinugtog ko, makakanta mo ang ‘Blaze of Glory’?” excited na tanong ni Julius.

Hindi ko pipiliin, pero pwede akong pilitin,” pa-cute na sagot ni Sheryl. E bakit ba, medyo nakainom na siya kaya nabawasan na ang hiya. Mahiyain pala siya! Sa mga may karapatan lang siya nahihiya.

Naku, hindi ako marunong mamilit. Gusto ko yung nadadaaan lang sa lambing,” humihirit na rin ang Julius. Sayang ang pagkakataon e. “Anong klaseng music ba ang pinapakinggan o kinakanta mo? Para naman ma-practice ko.”

“Huwag kang tatawa,” sabi ni Sheryl.  Ito na talaga ang test kung bagay sila, pag natanggap ni Julius ang taste niya sa music.

“Bakit naman kita pagtatawanan? Cute ka pala pag nakakainom. Medyo mamula-mula ka na,” patuloy na damoves ng Julius.  Lalong namula si Sheryl.

Ang pinapakinggan ko, araw-araw, ay OPM, Manila sound. Kung English man, 80s music lang,” ang sagot. Nakita ni Sheryl na nanlaki ang mata ni Julius.

Anong pagkakamali ito? Bakit ko siya hinusgahang sosyal? Naisip ni Julius na marami pa siguro siyang hindi alam tungkol kay Sheryl. At parang buong gabi niyang gustong makilala pa ito nang husto. “Ahhh. Kayang-kaya iyan. Sige, awitin mo at itutugtog ko.”  Proud siyang nagamit niya ang isang awitin ng VST & Co. para sa hirit na iyon.

May pagka-jologs pa nga ako e. Basta, iba kasi ang dating ng mga kantang Tagalog. Mas tagos sa puso. Kaya ako nakaka-100% lagi sa office videoke. Dahil sa repertoire kong Sharong Cuneta, The Company, Odette Quesada,” napansin ni Sheryl na dumadaldal na siya. Hindi tama ito. Ang sabi sa singles/dating websites, let the man talk. Ngunit hindi niya mapigilang magkwento na rin tungkol sa sarili. Masarap kausap si Julius. Iba ang vibes niya, di katulad nung mga ibang lalaki, sa hindi pa niya maipaliwanag na dahilan.

Tapos nang kumain si Julius. Parang ang bilis ng pangyayari. Gusto pa niyang pahabain ang gabi. “Gusto mo ng dessert?” alok niya.

Parang gusto ko pero di ko kayang umubos ng buo…”

Pwede namang hati tayo,” sagot ni Julius. Tumango si Sheryl. “Ikaw pumili.”

E baka ayaw mo, pero favorite ko ito e. Carrot cake.”

“Sige, carrot cake. Madali akong kausap.”

“Talaga? Hate yan ng mga kuya ko. Bakit daw dessert ang gulay. So pag nagbe-bake ako, dinadala ko lang sa school at sa office.”

“Mahilig kang mag-bake?” Sobrang nagalak si Julius. Mahilig kasi siyang kumain. Hindi lang halata kasi araw-araw siyang tumatakbo para hindi lumaki ang tiyan.

“Magaling akong magluto at mag-bake. Housewife material nga, sabi sa iyo e.”  Oops, medyo parang overkill, naisip ni Sheryl. Pero nasabi na niya. At totoo namang pinagkakaguluhan ang mga luto niya. The way to a man’s heart is through his stomach. Kung totoo yon, dati pa dapat niyang nakuha ang lahat ng hearts ng lahat ng men. Hindi masyadong totoo yun.

Dumating na ang dessert. Nakangiti ang waiter sa kanila. “This one’s on the house, sir, according to our owner, Mr. Reyes. He had to leave to pick up his wife but he left instructions.”

Ang totoo, kilala ni Julius ang waiter, sa dalas siyang kumain ditong mag-isa, dahil nalalakad lang mula sa condo niya. Nagpasalamat siya at itinapat kay Sheryl ang platito ng cake. Dalawang tinidor ang ibinigay ng waiter. Bago umalis, kumindat ito kay Julius at pasimple pang sumenyas ng OK sign. Gustong batukan ni Julius ang pahamak na waiter.

That waiter is nice, kahit hindi sabihin, nagagawa niya ang trabaho niya at hindi siya intrusive. Ayaw na ayaw namin ng mga kaibigan ko yung nag-uusap-usap kami tapos sabat nang sabat o istorbo ang waiter. Ito, na-refill niya ang water goblet ko, natanggal niya ang used plates, at dinalhan pa tayo ng dalawang tinidor. At grabe siya makangiti, nakakatuwa,” banggit ni Sheryl.

Ngisi ang tawag diyan. Medyo kilala ako dito e, dahil kaklase ko yung boss nila at malapit lang ito sa condo ko. At nakangisi yung waiter kasi may ka-date ako. Masyado lang siyang natuwa.”

Malapit ka dito nakatira? E bakit mo pa ako sinundo sa kabilang ibayo ng Metro Manila?  Pwede naman akong nag-drive,” gulat na sagot ni Sheryl. Nasa Pasig sila, pero sinundo siya ni Julius sa Novaliches.

Ang gustong ihirit ni Julius, you’re worth the distance. Ang nasabi niya lang, “Hindi iyan ang turo ng nanay ko. At baka hindi ka ma-impress sa first date mo kung hindi ka sinundo,” ayun nagpahalata na si Julius na nagpapa-impress siya. Baka sakaling kumagat.

Actually, ang sabi ng dating books ni Sheryl, kung blind date dapat makipag-meet lang at hindi magpasundo sa bahay, at may backup na kaibigang naghihintay para mag-rescue kung sakaling disaster ang date. Hindi niya na sinunod iyon. Tamad siyang mag-drive e.

Tsaka lang napansin ni Sheryl na naitulak na pala nila (niya? Ni Julius?) sa gitna ng mesa ang platito, at kumukuha sila ng carrot cake mula sa isang hiwa, na parang dati na nilang ginagawang maghati ng pagkain. Sabi ng dating websites, ang pag-share ng plato at pag-usog sa space sa mesa ay indikasyon ng pag-unlad ng intimacy ng date. Pero parang patapos na… dessert na diba? Nalungkot yata siya.

O, parang natahimik ka. Hindi ka yata naniniwalang gentleman ako by training. Ano bang pinagsasasabi sa iyo ni Alex?”

Huwag kang mag-alala. Binenta ka sakin. Salesman ang kaibigan mo e. Sabi ko, hindi ako basta-bastang bumibili. Kailangan kilatisin ko munang maigi.”

Alam mo, para sa isang kolehiyala, ang lalim mo ring ma-nagalog minsan. Nakakagulat ka,” puna ni Julius. Talagang unti-unti siyang natutuwa kay Sheryl, at nag-iisip siya paano pa niya mapapahaba ang gabi.

Kolehiyala nga ako, pero laking-probinsiya. At tuwing bakasyon, umuuwi kami sa Zambales. Hindi rin kami mga Inglesero’t Inglesera sa bahay.” Pahiyang-pahiya na si Julius sa anumang image meron siya noong una tungkol kay Sheryl. Iba talaga kapag nakikilala mo na ang tao.

Atsaka lang nila napansin ang piped-in music sa restaurant. Nag-iba kasi. Kanina, parang puro instrumental lang, ngayon biglang tumugtog ang “I Will Always Stay In Love This Way.”  Duda  ni Julius, may kinalaman ang kaibigan niyang may-ari, o di kaya yung waiter na pahamak.

“OPM yan, kahit Ingles,” sabi ni Sheryl.

Oo, pero piano yan. Kaya ko sigurong kapain sa gitara… masubukan nga.”

“Kelan ko naman maririnig iyang pinagmamalaking pag-gigitara mo?” tanong ni Sheryl sabay tingin sa mga mata ni Julius. Agad niyang inalis. Parang napaso siya. Electric shock ang dating. Taga-Meralco pa naman ang kausap niya.

Ngayon, kung gusto mo. Andyan lang gitara ko, sa condo…” alam niyang medyo forward na ang tanong, pero nandoon na rin ang opening.  Sinubukan na ni Julius, tutal ang balak lang talaga niya, sa ngayon, ay magpaka-gentleman. Tugtugan ng gitara, pakinggan kumanta, alukin ng wine, tapos… bahala na!

Sige, sa isang kondisyon…”

“Ano?” kinabahan naman si Julius.  Baka bawal silang uminom, o gabihin, o umagahin….

“Titigilan natin ang kaka-best food foward. Ang mental checklists. Yes, I know you checked me out physically before asking me out, and we’re both weighing each other tonight. I came with a whole dating  book in my head, too. Pero please, mag-enjoy na lang tayo. Kuwentuhan, kantahan, game ako diyan. We’ll take it one step at a time.”  Napakatamis ng ngiti ni Sheryl. Sabay inubos ang Chardonnay niya.

Natigilan si Julius. Hindi makasagot.  Hindi niya alam paano sumagot. Bakit ibang mag-isip ang mga babae?  Bukas pa niya mare-realize na tama si Sheryl. Na may point si Sheryl. Pero bukas pa. Ngayong gabi, nagulat lang siya kung saan nanggaling iyon.

Tumayo si Sheryl para magpunta sa toilet. Nagbayad si Julius at binigyan pa rin ng malaking tip ang pahamak na waiter. Nakangisi pa rin ang loko.

Pagbalik ni Sheryl, nakatayo na si Julius. Hinawakan siya sa kamay, at naglakad na sila patawid ng kalye, paakyat sa condo, papasok sa bahay ni Julius.

Maganda pala talaga ang boses ni Sheryl. Napatulala si Julius. Hindi niya kailangan ng guitar accompaniment. Memorized pa ang lyrics, daig pa ang ilang volume ng 1,001 songs na meron siya.  Itinigil niya minsan ang pagtugtog. Si Sheryl, nakatayo sa bintana, malayo ang tingin. Kumanta lang ng “Bituing Walang Ningning.”

Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako’y bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag at kislap ng ating pag-ibig….

Tapos na pala ang kanta. Hindi nahalata ni Julius na nakatitig na sa kanya si Sheryl habang nakaupo siya sa sofá, hawak ang gitara, nakapikit ang matang nakikinig. Nang dumilat siya, tinanong ni Sheryl, “Alam mo ba kung bakit favorite ko ang kantang iyon?”

Sa pagkakataong ito, parang alam niya ang sagot. Nagbaka-sakali si Julius. “Gusto mo kasi talagang magpaalaga sa lalaking magmamahal sa iyo. Pagod ka nang magpanggap, gusto mong maging totoo, ng simpleng buhay. Hindi mahalaga sa iyo ang career mo o mga material na bagay.”

Napaluha si Sheryl. Nag-excuse siya, pumunta sa banyo, at nag-text sa lahat ng kaibigan niya. “Girls, I think I have found The One.  He gets me! He reads me! Kuwento later.  Still in his condo.”

Pagbalik niya sa sala,  nakatayo na si Julius. “Gabi na, ihahatid na kita.”

Ano raw?! Saan nanggaling iyon? Gulat na gulat si Sheryl. Kinuha niya ang bag niya at sumunod na lang kay Julius. Nakaakbay ito sa kanya, na parang natural lang.

Tahimik sila sa kotse. Kapwa malalim ang iniisip.  Pagdating sa bahay nila, hinalikan siya ni Julius sa pisngi at nagsabi ng good night.

Kinabukasan, hindi na nakatiis si Sheryl. Nag-text siya, umasang may makukuhang reaction kahit pabiro mula kay Julius,

You ask me if I’ve known love
And what it’s like to sing songs in the rain
Well, I’ve seen love come
And I’ve seen it shot down
I’ve seen it die in vain
Shot down in a blaze of glory… 

Ang sagot lang ni Julius, “I’m sorry, Sheryl. Masyado pang maaga para sa kantang iyan.”

Nasaktan si Sheryl. May double meaning ba iyon? Maaga pa dahil umaga pa lang, o maaga pa dahil kakakilala pa lang nila? Ang hirap mag-overanalyze nang lahat ng bagay! Nagbibiro lang naman siya. Bon Jovi iyon, paborito nilang pareho. May nangyayaring misteryo.

Makalipas nang isang linggo, tinanong na ni Sheryl kay Alex bakit hindi pa ulit nagpaparamdam sa kanya si Julius.

Hintayin mo lang. Natakot yun, ma’am,” sagot ni Alex.

Natakot? Alam ni Sheryl na masyado siyang naging honest kay Julius. Na baka nga nakakasakal ang kanyang Housewife Test. Na baka mas maraming magagandang babaeng nauna sa buhay ni Julius. Isang date lang naman sila. Siguro, makakalimutan niya rin ito.

Nagpakasipag na lang siya sa pagtatrabaho. Naisip niya na lang mag-retire nang maaga. Kaya naman siyang buhayin ng savings niya.

Si Julius, hanggang ngayon, ay nag-iisip pa rin.

(Bitin ba? Ganyan talaga ang buhay. Minsan, gusto mo pang dugtungan, pero tapos na talaga ang istorya. Nag-enjoy ka naman diba?)

WAKAS.

Image

A Despedida Song


My friends from the Banal na Puso Choir sang this for me. 🙂

Video

Old Lady of the Hacienda


Old Lady of the Hacienda

She seems to be waiting for the restoration of the house she has lived in for decades.

Image

Sugarcane Harvest


Sugarcane Harvest

I was in Sugarlandia last weekend, and this is a picture of happiness for sugarcane farmers. 🙂

Image

Sugarcane Farm


Sugarcane Farm

I arrived during harvest time, and this is the BEFORE scene.

Image

Old Piano


Old Piano

From a house about to be restored in the middle of Sugarlandia. 😉

Image

Previous Older Entries