Isang Linggong Paghihintay (Housewife Series, Part 2)


(Basahin muna ang unang bahagi, Pang-housewife Ako e, Bakit ba? Ito ang karugtong matapos ang maraming hiling ng mga nagbasa’t nabitin sa kilig. Kaya lang hindi na ito nakakakilig masyado. Ang updated kuwento ay nasa link na Kwentong Housewife (Daw)– E. )

II.

Natakot nga ba si Julius? Bibisitahin nating muli kung bakit tinapos agad niya ang makasaysayang first date nila ni Sheryl. Ngunit bago iyon, tingnan muna natin kung totoo nga bang career na lang ang inasikaso ni Sheryl at nakalimutan niya na kaagad si Julius, o press release na naman iyon.

Bakit hindi pa siya tumatawaaaaag?” atungal ni Sheryl habang nakadapa sa kama sa guest room ng best friend niyang si Pauline. Hindi siya pinapansin ng kaibigan, nasa telepono ito. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang ihatid siya agad-agad ni Julius, na para bang napaso sa kanya at isinoli siya sa Nanay at Tatay niya. Feeling ni Sheryl, puwede nang umasang tatawag si Julius, following the three-day rule in her dating books. Pero epic fail ang feeling na ito dahil hindi tumawag ang magaling na lalaki, kaya sa halip na umuwi galing sa trabaho ay tinawagan niya si Pauline at muling nagpaampon dito. Kailangan niya ng kausap.

Francine, pumunta ka na rito please, tulungan mo ako, sasabunutan ko na itong babaeng ito e,” sabi ni Pauline, na hindi matiis si Sheryl pero gustong tumawag ng genmeet ng buong barkada.

Ang sakiiiiit,” patuloy na monologue ni Sheryl. Nasa second floor naman ang inaanak niya at malamang, mahimbing na ang tulog kasama ang daddy nito at hindi naiistorbo sa kanyang pagdadalamhati.

Ang sabi ni Francine, tigilan mo na  ‘yang kaiiyak mo. Ni hindi umabot ng isang linggo ang pag-ibig niyo, kaya please lang, stop the drama!” report ni Pauline. Naisip niya na ring tawagan ang mga kaibigan nila sa States at Singapore dahil sa dalawang kagimbal-gimbal na pangyayari: una, na nakipag-date at nahulog agad ang mapiling si Sheryl sa ka-date niya; at ikalawa, na heartbroken ulit ito na parang noong high school lang. Hindi kayang i-handle ni Pauline mag-isa ang nagngangawang kaibigan, dahil hindi na siya sanay.  Dati-rati, pinipili ni Sheryl maging tigang kahit pa Valentine’s Day, huwag lang magmukhang tanga dahil sa pag-ibig.

Hindi naman true love yan, oy!” Dagdag ni Pauline. “You’ll scare men away if you fall in love after the first date! Sasabihin nila, kakaibang nilalang ka, Sheryl.”

Humarap si Sheryl kay Pauline sabay sabi, “Thank you ha! Yun na nga ang nangyari. Natakot na sa akin, okay? I am a disgrace to all women!

Ah, may lagnat ba si Anna? O sige na nga, huwag ka nang sumugod dito. Wala na lang sisihan pag nasampal ko itong kaibigan natin ha. Ok, bye.” Tinapos na ni Pauline ang pag-uusap nila ni Francine, na kailangang mag-alaga ng maysakit nitong anak, at hinarap na si Sheryl.

Nakalabi si Sheryl. “Ang lupit mo naman. Ilang beses mo ba akong nakitang ganito? Minsan-minsan lang ako mag-date, ganto pa ang napala ko. Hindi ka ba naaawa sa akin? I don’t want your pity pala. Don’t you at least feel my pain?

Kunyari lang namang nanggigigil si Pauline kay Sheryl. Kaya sila mag-best friend ay dahil siya palagi ang kalmadong boses sa makulay na mundo ni Sheryl.

I just hate seeing you like this. Hindi ba natin ‘yan madadaan sa kanta? O sa single malt whisky?” alok ni Pauline. Best friend din ni Sheryl si Carlo, ang asawa ni Pauline, lalo na sa inuman. Pwede niyang gisingin iyon maya-maya.

I don’t understand. Okay maybe I do understand, na ganoon talaga, paasa ang mga lalaki, dalubhasa sa pambibitin, but I don’t want to. Ang labo ko, ‘no?” Gulung-gulo pa rin si Sheryl.

Gusto mo bang sagutin ko ‘yan? Wait, may gustong makipag-Facetime. Si Larissa, umaga na sa States, ayan may bago ka nang kukuwentuhan. Check ko muna yung mag-ama ko sa taas.” Sabay abot ni Pauline ng iPad Mini niya kay Sheryl, na nagpunas ng luha para hindi naman mukhang sawi sa pag-ibig.  Pero halata pa rin dahil mugtong-mugto ang mga mata niya.

Sa pagkukuwentong ilang beses naputol ng hagulgol, inulit ni Sheryl kay Larissa kung bakit na-text niyang The One si Julius, at ang mga nangyari, o hindi nangyari, pagkatapos ng deklarasyong iyon.

Ang hindi alam ni Sheryl ay naisama niya sa group text si Julius. Iyung text na nagsabing he’s the one. Yup, that text. Hindi kasi niya sa Facebook group ng barkada inilagay, kundi sa iMessage, kasi naisip niya mas mabilis mababasa ng mga kaibigan niya ito dahil lagi nilang hawak ang mga Apple gadgets nila. Dahil wala sa sarili, hindi niya napansing naisama niya si Julius sa mga recipients.

Kaya hindi na tayo magtataka kung bakit natakot nga si Julius.

“Sa lahat ng ayaw ko p’re, sa mga babae, yung bawa’t bagay naka-report agad sa mga kaibigan nila e. Yung parang di-nate mo na ang buong barkada nila,” reklamo ni Julius kinabukasan kay Alex nang mangamusta ito, pagkatapos ng “makasysayang first date.”

Whoa, hindi ito ang ine-expect kong marinig sa iyo,” sabi ng gulat na Alex. Akala niya magpapatulong nang mang-harana si Julius pagkatapos ng isang gabing kasama si Sheryl. Ano nga ba ang nangyari kagabi? “Disaster ba, p’re? Di ka nag-enjoy? Masyadong pakipot?” Sunud-sunod na tanong ng hindi-makapaniwalang Alex.

Hinde. Sobra kaming nag-enjoy. Ayoko na ngang ihatid pauwi e,” sagot ni Julius, na naalala ang mga sandaling gusto niyang halikan si Sheryl pero nagpigil siya.

Ayun naman pala e. So bakit mo nga hinatid? Nagyaya ba?” naghihintay ng paliwanag si Alex.

Ang dami mo namang tanong,” paiwas na sagot ni Julius. Ayaw niyang ikwento sa iba yung sinabi ni Sheryl sa mga ka-text niyang kaibigan. Ayaw niya rin palang mapahiya si Sheryl. Kahit kay Alex.  Protective pala siya.

O sige wala nang NBI investigation. Women talk, sabi ng misis ko. Don’t take it against Sheryl kung palaging nagtetext habang magkasama kayo, malamang ikaw naman ang topic nila.”

“Yun nga ayaw ko e.”

“Ito lang ang sasabihin ko, halos naka-giftwrap na para sa iyo si Sheryl. Ang reputasyon niyan, mapili pa sa mapiling ina. Pihikan! Tapos nag-enjoy sa date niyo? Huwag mo nang pairalin ang tigas ng ulo mo. Tapusin na natin ang Great Bachelor Days ni Julius Gomez. Ginto na ‘yan, hindi pinapalampas,” para sa man of few words, napabira ng sermón si Alex, na dati-rati ay tameme lang kay Julius. “Tawagan mo na,” diin nito.

Hindi pa rin tumawag si Julius kay Sheryl. Parang ayaw niya ng sakit ng ulo.

High maintenance e,” kwento niya kay Michelle, ang kapatid nyang sumunod sa kanya, na nangamusta tungkol sa date niya nung dumaan siya para dalawin ang mga pamangkin niya. “Hindi ko kayang bumuhay ng ganoon.

Bakit naman pagbuhay at parang pagpapakasal na ang nasa isip mo, first date pa lang? Siguro type mo ‘no, kaya may I examine my networth ka agad diyan?” sagot ni Michelle, sabay siko sa kanyang kuya. “Maganda ba? Sino’ng kamukha? Marian Rivera? Angel Locsin? Kim Chiu?

Ipinakita ni Julius kay Michelle ang picture ni Sheryl. Hinampas siya nito sa braso sabay sabing, “Ano’ng problema mo, kuya? Sobrang ganda nito! Buti pinansin ka!”

Nakaka-tempt ikwento kay Michelle na, hindi lang pinansin, siya pa ang “The One” ni Sheryl, pero may pumigil na naman kay Julius. Parang gusto niya munang sarilinin ang bagay na iyon, kahit iyon ang dahilan kung bakit tinapos niya kaagad ang “makasysayang first date.”

Iyon nga ba?

Habang nagda-drive pauwi, nag-isip si Julius. Alam niyang bugso lang ng damdamin ni Sheryl iyong na-text niya at hindi totoo. Kaya niyang palampasin iyon. Pero marami ring telltale signs kaya hindi niya dapat tawagan ulit si Sheryl.

Si Sheryl, handa na yata iyon sa serious committed relationship. Nasa tipo e. Parang hindi nakikipaglokohan basta-basta. Ayaw ng laro-laro lang.

Siya, si Julius, ay hindi pa handang mag-seryosong relasyon. Masaya lang siyang mag-buhay binata. Gusto niya lang ng padate-date. Girlfriend pwede rin, pero kapag nagiging demanding at clingy, iniiwan na niya. Ayaw niya sa mga babaeng clingy! Yung binabantayan lahat ng kilos niya, sino kausap niya, saan siya pupunta.

Pero kinabahan din siya nung nagsabi si Sheryl ng “take it one step at a time” at huwag na silang mag-“best foot forward,” bago sila umakyat sa condo niya. Ang daming assumptions ng statement na iyon, at kahit totoo, hindi siya handang umamin.  Kasi yung statement na iyon, parang nasa Chapter Ten na ng libro. Si Julius, nasa prologue pa lang. Masyadong advanced mag-isip si Sheryl. Nakakatakot.

Kung bakit naman nakalipas na ang tatlong araw, nasa isip pa rin niya si Sheryl. Anong pabango ba ang ginamit nun? Jo Malone? Viva la Juicy? Hinahanap-hanap niya. Kahit sa opisina, e hindi naman nakarating si Sheryl sa opisina niya.

Sa radyo, Miyerkules na Miyerkules, puro lumang tugtugin ang pinapaptugtog sa paborito niyang istasyon. Meron pang linshak na “OPM Hour.” Sinimulan ng DJ sa Apo Hiking Society.

There I was, an empty piece of a shell,
Just minding my own world;
Without even knowin’ what love and life were all about
Then you came,
You brought me out of the shell;
You gave the world to me
And before I knew, there I was so in love with you

You gave me a reason for my being
And I love what I’m feelin’
You gave me a meaning to my life
Yes, I’ve gone beyond existing
And it all began when I met you

Anak ng… nahuli na lang ni Julius ang sarili niyang kumakanta! Buti walang nakakita at nakarinig. Pero traffic, baka pinagtinginan siya ng mga driver at pasahero sa ibang sasakyan sa EDSA.

Kinulam yata siya ni Sheryl! Usually isang tulog lang, nakakalimot na siya pagkatapos ng first date. Pag dinesisyunan niyang ayaw na niya, ayaw na niya. E bakit ngayon may pakanta-kanta pa siya ng “When I Met You?” Masamang senyales ito.

Balikan natin si Sheryl na nagluluksa sa bahay nina Pauline at Carlo. Gising ang mag-asawa at nagbukas na ng Macallan single malt whisky si Carlo, para kay Sheryl.

“Mag-leave ka na lang bukas. Masama uminom kapag masama ang loob,” paalala ni Carlo.

Can’t afford to. Baka half-day ako. O work from home,” sagot ni Sheryl habang nakatitig sa baso niyang may tatlong pirasong yelo at isang shot ng whisky. “Ang tipid mo naman maglagay. Dagdagan mo pa, bilhan na lang kita ulit sa Duty Free,” pakiusap niya kay Carlo.

Tatayo sana si Carlo pero pinigilan siya ni Pauline na i-top up agad ang baso ni Sheryl. Sa pamamagitan ng tingin. Nakukuha si Carlo sa tingin ng asawa niya

Sheryl, don’t let this one guy and one date affect you this much. He’s not worth it! Ano na lang sasabihin ni Georgia pag nalaman niyang nagkakaganyan ka at baka napapabayaan mo pa ang work mo?” Hindi alam ni Pauline paano mag-react. Sila rin naman kasi ang nagtutulak kay Sheryl na makipag-date na at bawasan ang pagka-pihikan sa lalaki.

Si Georgia ang feministang kaibigan nila, na naka-assign ngayon sa Singapore. Gabriela Silang iyon sa tapang, at galit sa lahat ng lalaki. Ang dahilan – iniwan siya ng boyfriend niya noong college pa lang sila. At single mother si Georgia. Prangka at hindi marunong magpigil ng dila niya basta sa ikabubuti ng mga kaibigan.

Alam niyo naman effect ng Macallan sa akin. Inaantok ako. This will help me sleep. I can’t deal with Georgia tonight, please. Huwag mo nang i-inform na andito ako at tiyak na tatawag yun,” sagot ni Sheryl. Kung minsan, nakakatulong ang maraming kaibigan. Kung minsan, mahirap kasi kailangan mong pakinggan ang mga nagbabagang opinyon nila. Lalo na ni Georgia.

I don’t know what came over you, Sheryl. This is so unlike you at all,” puna ni Pauline.

Umiling-iling din si Sheryl. “Hindi ko rin alam anong tumama sa akin, Pauline. At hindi ko maintindihan kasi parang sobra naman kaming nag-connect. Parang tuwang-tuwa naman siya sa akin at ayaw akong lubayan ng titig at, medyo touchy siya ha. Hinayaan ko naman. Promise, hindi ako nagpaka-manang.

Baka naman kailangan lang ng space nung tao,” singit ni Carlo. “Para mag-isip. Baka he had Too Much Sheryl – you can be intimidating, you know.”

Pinanlisikan ng mata ni Pauline si Carlo na parang nagsasabing, you’re not helping my depressed friend right now.

But that’s just it. While other guys I’ve dated seemed unable to handle me, Julius appeared to be into me, to appreciate me. At the very least, I thought he’d want us to see each other again. Hindi yung ganito, kasisimula pa lang, ending na agad. It doesn’t make sense. Feeling ko, gandang-ganda sa akin. Aliw na aliw sa akin.”

Baka player. Tapos nakitang hindi ka pwedeng lokohin. Hiritan mo ba namang gusto mong maging housewife. Talagang you dared him to see you as a wife and you made it clear that what you’re looking for is not just a husband, but a good provider. Pile on the pressure, kung baga. At kaming mga lalaki, ayaw ng pinangungunahan kami. Sa unang date alam mo ba, physical lang ang pinag-uusapan diyan.” Si Carlo ang matiyaga sa mga asawa ng barkada para magpaliwanag ng male perspective, kaya close sa kanya si Sheryl.

Talaga? Hindi ba pwedeng pagkatapos ng physical attraction, meron ding iba pang connection? Intellectual stimulation? Emotional investment, kahit kaunti?

Depende sa lalaki, pero last nilang haharapin ang feelings. This guy sounds like he’s having too much fun being in control of his life, and you were a threat to that, so he could either be taking his time, or moving on.

How will I know?” tanong ni Sheryl, na parang naubusan ng talino at nalalaman sa mundo.

Hintayin mo. Bigyan mo ng isang linggo,” sagot ni Carlo. “Maganda yung may deadline. Pagkatapos noon, hindi ka na namin paaasahin. Ipahaharap ka na namin kay Georgia kung mag-pine ka pa sa Julius na iyan kung hindi ka niya tawagan matapos ang one week.

“Ang hirap naman. Torture!” Gusto ni Sheryl mag-leave nang isang linggo. Mag-novena sa Quiapo. Pumunta sa Manaoag. Surely, a man like this is worth praying for. Or fighting for. Pero hindi niya tatawagan. Iyon ang major no-no sa lahat. Mali na ngang nag-text siya kaagad kinabukasan e. Nangingilabot pa siya pag naalala niyang nagawa niya iyon. Lyrics pa ng kanta. Ang baduy-baduy!!! No wonder nasungitan siya ni Julius sa text.

Iyon ang pinakamahabang isang linggo ng buhay ni Sheryl.

Ikapitong araw matapos ang “makasaysayang first date,” habang nag-aalmusal ng cereal at gatas, at walang kamalay-malay na deadline na niya sa barkada ni Sheryl, naisip ni Julius paano kung paggising niya, nakaluto na ang almusal niya– paborito niya ang tapsilog sa umaga kaya lang nakakatamad — at kung may nag-brew na ng kape. Naisip lang niya bigla, na baka masarap iyon.

“Maid ang kailangan mo kuya, hindi girlfriend,” na-imagine niya ang boses ni Michelle kung babanggitin niya ang naisip niyang iyon.  Inilagay niya sa mute ang boses ni Michelle bilang konsensiya niya at naghanda na papasok ng office.

Tinawagan siya ni Alex nung lunch break.

P’re, malapit na ang kasal nina Janine at Raymond. Kailangan mo ng ka-date.”

“Oo, isa na namang tumiwalag sa barkada yang si Raymond. Bumigay din.”

“Tinawagan mo na ba si—“

“Tama na, Alex. Hindi bagay sa ‘yo ang matchmaker. Don’t worry. I’ll find a date for the wedding. Tagaytay din iyon, hindi ko sasayangin ang lokasyon.

“Nag-book kami ni Joanne ng bahay sa may Nasugbu sa weekend na iyon. Ayoko kasing mag-drive nang balikan, at para maipasyal na rin ang mga bata. Dun ka samin tumuloy, at nang makainom din tayo. Pero kung may ka-date ka, bahala ka na sa buhay mo. Unless, si Ma’am Sheryl ang isasama mo.

Parang nauubusan na ng excuse si Julius para hindi tawagan si Sheryl. Parang hindi rin niya maisip sinong babae ang madadala niya sa kasal, ipapakilala sa mga kaibigan, isasakay sa kotse niya, kundi si Sheryl.

Blackmail naman iyan, p’re. Halatang-halatang may misyon ka e. Kung mag-second date man kami, sa kasal agad? Baka lalong magka-idea iyon.”

“Hindi gano’n si Sheryl, ‘no. Matalino naman iyon, at hindi nagmamadaling magpakasal. Kailangan ka pa niyang padaanin sa butas ng karayom. Mabuti nga yun at nang makilala niya ang buong barkada. Makita niyang may mga kaibigan ka naman pala kahit na minsan, emotionally constipated ka. Sino ngang ex-girlfriend mo ang tumawag sa iyo ng ganon?” Natawa si Alex nang maalala niya ang bansag ng ex ni Julius sa kanya, matapos nitong makipag-break ng Disyembre. Doon kasi magaling si Julius dati, sa pagpipigil at pagtatago ng damdamin. Pero umaasa si Alex, naniniwala siya, na sa bait ni Julius, hindi ito likas na babaero. Hindi pa lang niya natatagpuan noon ang babaeng magpapatino sa kanya.

“Hindi ba parang too late na, isang linggo na ang nakakalipas e. Baka na-delete na ni Sheryl ang number ko, o kaya baka nagalit kasi ang tagal ko bago tumawag?”

Huwag mo na akong tanungin, tawagan mo na! E kung hindi ka sagutin, di hindi. Basta, may isang room na kaming ilalaan ni Joanne sa inyo sa Nasugbu. Kung malasin ka naman, pwede ka sa sala, at sa room si Sheryl. Hahaha,” pang-aasar ni Alex, na alam nang tatawagan ng kaibigan niya si Sheryl. Tapos na ang pagninilay-nilay nito. Malamang natatauhan na.

Hindi na halos makapag-concentrate sa trabaho si Julius. Ayaw naman niyang mag-text. Pagsampa ng alas-singko, lumabas na siya ng opisina, at tumawag kay Sheryl habang nasa parking lot. Hingang malalim.

Nasa meeting si Sheryl nang makita niya ang phone niyang umiilaw. Picture ni Julius ang lumabas, at ang ipinangalan niya rito sa iPhone niya ay “Julius, Last Day mo na.”

Hindi niya sinagot ang tawag at nag-text na lang siya, “In a meeting. Let you know when I’m done.

Iyon na yata ang pinakamatagal na dalawang oras sa buhay ni Julius. Nag-drive siya pauwi. Umorder ng take-out at kinain nang mabilisan. Hindi niya halos nalasahan ang pizza kahit super hot ang pinili niya. Sheryl, mag-text ka na.

Eksaktong alas-siyete nang tumunog ang cellphone niya. “Hi. Meeting just ended,” text ni Sheryl.

Hindi na niya nakuhang maghintay, pinindot agad ni Julius ang call.

Ring, ring. Nag-panic siya. Ano’ng sasabihin niya? Baka humingi ng paliwanag kung bakit siya naglahong parang bula. Sasabihin na lang niya, busy siya. Totoo naman. Busy siyang kakaisip kay Sheryl nang isang buong linggo.

Hello?” sinagot ni Sheryl matapos ang pitong ring. Pito.

Hello! Sheryl, si Julius ito.

Sinong Julius?” Tapos, katahimikan.

Patay. Mukhang mahihirapan siya rito. Pumikit si Julius at hindi na nakaisip ng mga palusot at pambobolang gumagana sa lahat ng ibang babae.

Si Julius, yung engot na ngayon lang tumawag sa iyo,” simpleng sagot niya.

Naalala ni Sheryl ang mga sinabi ni Georgia nung isang gabi lang sa Viber, habang nakatitig siya sa mga kandilang sinindihan niya sa kwarto niya at nagpapalipas ng ikaanim na araw ng pagkawala ni Julius sa buhay niya.

Sanay ‘yang lalaking ‘yan na siya ang hinahabol at pinipilahan. Lumayo ka riyan! You’re worth more than that. A man should know daig pa niya ang nanalo sa lotto ‘pag pinili ka niya, Sheryl. Hindi yung parang naghe-hesitate siya at nag-aabang pa ng ibang pagpipilian. You’re much too good for him, my friend.” Iba talaga ang mga babae kung mag-analyze. Buong pagkatao ni Julius, nahusgahan na ng barkada ni Sheryl.

Pero si Sheryl, naniniwalang may pag-asa pa sila. Na kapag humingi ng second chance si Julius, hindi niya matitiis, pagbibigyan niya. Papahirapan niya muna, though. Aba, kailangang makasigurong hindi na ulit gagawin ng Julius na ito ang disappearing act niya. Nakakaloka yun.

Oh, that Julius. Yung Martian,” cold and distant ang balak na tono ni Sheryl, pero bakit parang ang lambing ng lumabas na boses sa kanya? Nakakainis.

Yan ba ang bansag mo sa akin? Sabagay, kamukha mo naman si Venus,” ayun, old habits die hard. Makabola lang. Pero sana seryosohin.

I’m sure 99% of the time, nagwo-work ‘yang mga linya mo. I’m not amused right now, though.” Kapag galit si Sheryl, napapadalas ang Ingles. May galit din kasi siya kay Julius. Naman, one for the books ang pambibiting ginawa nito. If he wants a second chance, he has to earn it.

Sheryl, sorry I didn’t call sooner.” Wala siyang masabing dahilan. Wala. “But I’m calling now to ask you if you would be my date for a wedding. Ikakasal yung kabarkada naming ni Alex next week, sa Tagaytay.”

Ano yung nararamdaman ni Sheryl? Luha? Pinigil niya ito, mamaya na ang emote. Kailangan niyang pag-isipan ang sagot. She tried to break down Julius’ words into bite-sized pieces.

Sorry raw. Pero walang excuse kung bakit hindi tumawag.

Tapos, nagyaya ng second date.

At ang second date, sa wedding.

Sa Tagaytay, the most romantic place she could think of right now.

Naisip ni Sheryl, kailangan niyang mag-shopping. Ng isusuot. Sa kasal.

Hi you still there?” Tanong ni Julius, na umaasang hindi mabalasik ang sagot ni Sheryl.

“Hang on, I’m trying to process what you just said. I mean, wala naman akong karapatang umasang tatawag ka, o magtanong kung bakit mo ginawa o hindi ginawa ang mga bagay-bagay…”

Here we go, Julius thought. He deserved this, naisip niyang sasabihin ni Michelle sa kanya.

Nagpatuloy si Sheryl, “But can you give me a minute to think it over?” A minute? Dapat sinabi niya she’ll sleep on it. Pambihira. Pero hindi na nabawi ni Sheryl ang nasabi na.

Sa Chapel on a Hill ang wedding, tapos ang reception naman sa…” at nag-blangko ang utak ni Julius. Hindi kasi niya hawak ang imbitasyon, at fancy yung pangalan nung venue kaya hindi niya maalala. “Sa malapit lang din doon. Hapon ang kasal,” dugtong niya. “Masaya yun, may surprise number ang barkada sa reception. Kakantahan naming ng medley ng harana songs yung bride. Kami rin kasi ang nag-harana nung nililigawan pa lang si Janine ni Raymond.

So, makikilala ko ang mga kaibigan mo? Hindi ba too much too soon iyon?” Patay. Ano na naman ito, espirito ni Georgia na nag-possess sa kanya para maging bitchy?

May nagsabi sa akin, let’s take it one step at a time. Ito, one big step for me, Sheryl.” Nandoon na ang pag-amin. Julius meant every word. Sheryl put several meanings in between the lines, pero nagpigil din siya.

“Pwede namang baby steps muna. Sasama ako sa iyo sa wedding, sige. Pero, hindi mo ba ako ililibre  muna ng kape?” Hamon ni Sheryl.

Asan ka ba?” Nagalak si Julius na hindi pa siya nagbibihis ng pambahay. Makakaaalis siya in, like, two minutes.

Nasa office. Sa Ortigas.

Iyon na yata ang pinakamabilis na pagmamaneho ni Julius mula Pasig hanggang Ortigas. Pagdating niya sa driveway ng building nina Sheryl, naghihintay na ito sa kanya. Nakangiti.

Hindi muna nag-update si Sheryl sa barkada. Papagalitan siya ng mga iyon bakit ang bilis niyang tinanggap ulit si Julius. Kaya naman niyang pangatawanan ang desisyon niya. Pasok naman sa deadline ang tawag nito. Wala mang paliwanag, hindi na niya kailangan iyon sa ngayon.

Pagsakay niya sa kotse ni Julius, nag-kiss siya na parang girlfriend lang.

Ang misteryo ay kung paano pa nakapag-maneho si Julius, dahil umikot ang tingin niya nang matapos bumati si Sheryl.

Tama na ulit ang simoy ng hangin. Totoo nang naaamoy niya ang pabango ni Sheryl, at hindi imahinasyon lang.

Alam na niya ang mga kakantahin ng barkada pag hinarana nila si Sheryl. Puro Tagalog. Para tagos sa dibdib.

WAKAS. (Sa ngayon….)

Leave a comment