Si Julius, Pre-Sheryl (Housewife Series, Part 5)


Ito po ay Chapter 5 na. Pakibasa ang Housewife Series para sa mga Nakaraan…

V.  Si Julius, Pre-Sheryl

Nasa parking lot pa sila, tumutulo na ang luha ni Sheryl. Tingnan mo ‘tong hudas na ‘to, naisip niya. Nag-threaten lang ako magpasundo, hinatid ako agad. Pwede naman akong pigilan! Pwede namang sabihing we can work this out.   Masama ang bisyo nito, lagi akong hinahatid nang wala sa oras!

Nag-iisip din si Julius kaya dahan-dahan niyang inatras ang kotse. Parang nabigla siya sa desisiyon niyang ihatid na si Sheryl kahit hindi pa tapos ang reception. Kanina kasi mukhang wala na siyang ibang options. Ngayon nagsisisi na siya, pero too late na para bawiin ang nasabi na. Nag-shift siya from reverse to forward nang may sumalubong sa kanilang walong lalaki.

Hinarang ng The Tux (walong lalaking naka-suit, hindi naman tux pero same genre) ang sasakyan ni Julius. May tumalon sa harapan, may kumatok sa bintana ni Sheryl, may nagtutunog-wangwang, may sumigaw ng “Intervention! Intervention!” As in, nag-explode sila sa eksena.

Binaba ni Julius ang bintana niya at nagsabing, “Mga ‘tol, pag di kayo umalis diyan, sasagasaan ko kayo!”

Ibinaba rin ni Sheryl ang bintana niya kasi si Raymond, the groom, ang nandoon. Hininto na ni Julius completely ang kotse, kasi wala na siyang madaanan. Bukod sa malalaki ang tiyan ng iba niyang kabarkadang nakaharang, ay nakainom pa ang mga ito at baka nga makaaksidente pa siya.

Sabi ni Raymond, “Sheryl, we come in peace. Pero hindi kami papayag na umuwi kayo. Kung anuman ang sinabi o hindi sinabi, ginawa o hindi ginawa ni Julius ngayong gabi, patawarin mo siya. Hindi niya alam ang kanyang ginagawa!”

Windang si Sheryl; hindi makapagsalita. Natatawa siyang naiinis kasi sinira ng barkada ni Julius ang pag-eemote moment niya.

Humirit ang kabarkadang pinakamalaki ang tiyan, si Louie, “Wala pa tayong group picture! Pambihira naman kayo, e.  Dapat kumpleto ang barkada.”

Bakit ang senti ng mga ito bigla? Nagtaka si Julius, ngunit mabilis ang mga pangyayari. Hindi niya alam kung magpapasalamat siya o magpoprotesta.

Sheryl, hindi ka ba kakanta ulit?” tanong ni Jun, na akala ni Sheryl na pinakamahiyain sa barkada. Nakadikit ang mga mukha nila sa side ni Sheryl, kasi sa hitsura ni Julius parang gusto silang upakan anytime.

Naalala ni Sheryl ang sakit ng puso niya. Ayaw na niyang kumanta kasi baka “Total Eclipse of the Heart” lang ang lumabas mula sa lalamunan niya.

Galing sa driver’s side, sumilip si Julius sa bintana ni Sheryl at nagsabing, “Lubayan niyo na si Sheryl. Gusto na niyang umuwi.”

Tumingin si Sheryl kay Julius. “Umm, I didn’t actually say I wanted to go home….”

Nag-chorus na naman ang mga kalalakihan. “Ayun naman pala, e! Let’s all go back to the party!

Madiin ang boses ni Julius at kinausap si Raymond, “Pare, ano ba’ng ginagawa mo rito? Diba may program pa kayo sa loob? Baka magalit si Janine, iniwan mo siya dun.

Ok lang kay Janine, she encouraged me nga to join the others. Sumenyas kasi si Alex na kailangan ng Intervention,” ang mabilis na paliwanag ni Raymond.

Kailan pa tayo nagpakailaman ng buhay, tanong ni Julius sa sarili. Atsaka lang nagsalita si Alex, ang salarin.

Julius, Sheryl, patawarin niyo ako. Pero someday, you’ll thank us for this. Sayang naman ang masayang wedding reception kung wala kayo. Bukas na lang kayo mag-usap! Tonight, let’s drink and be merry!”

I have to go back before the guests wonder what happened to me. Bago ako umalis, ito lang ang masasabi ko, Sheryl at Julius:”

Biglang tumugtog ng gitara si Jun. Dumiretso sa kanta ng Side A band:

 

Sana Naman

 

(Raymond, na tinuturo si Julius)

Kay tagal na ng panahon

Ako ay labas-masok sa mga relasyon

At kung aking iisipin, walang dapat sisihin

Ganyan talaga ang pag-ibig.

Refrain (lumakad-kembot paatras si Raymond, pasok si Alex – maayos ang blocking, considering wala silang practice)

(Alex, na tinuturo ang puso gamit ang dalawang kamay, parang boy-band pose)

 

Heto na naman ako

Naglalaro sa isip, wag sanang maulit

Na siya’y mawala sa akin

At baka ikamatay

Puso ko’y di na mabuhay.

(Walong Lalaking Malalakas ang Boses, may blending ha, in fairness naisip ni Sheryl)

Sana naman, sana naman

Sana naman KAYO na’ng magkatuluyan

(sana naman, sana naman)

Sana naman wala nang iwanan.

 

Award!!! Natunaw ang puso ni Sheryl matapos ang kanta ng magkakaibigan. Pero ayaw niyang ipahalata kay Julius. Malay  niya kung ano’ng iniisip nito.

Tumabi kayo sabi, e!” Inatras ulit ni Julius na naggagalit-galitan ang kotse, pabalik sa iniwang parking slot. Napailing na lang siya sa effort mangharana ng mga kaibigan sa mabatong parking lot na iyon. Mahirap ding gawin ‘yong on-the-spot, alcohol-induced choreo nila.

Nang nakaparada na ang kotse ulit, palakpakan ang barkada, habang tumakbo na pabalik sa wedding reception niya si Raymond.

Ipinagbukas ni Chris, na laging nakangiti, ng pinto si Sheryl. “Konting tiis, Sheryl. Medyo mabagal kasi ang kukote ng isang ito,” sabi niyang may parinig kay Julius.

Lumabas na rin si Julius na nakahinga nang maluwag. For that moment, kahit gusto niyang bugbugin isa-isa ang mga kabarkada niya, nagpapasalamat siya at dahil sa comic relief nila, nabawasan ang tensiyon. Naalala nila ulit ni Sheryl na pumunta sila sa Tagaytay to enjoy the company of friends. And to get to know each other more.

Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan…” kanta ng masayahing si Daniel, na siya ring may pinakamagandang boses sa barkada, nang lumabas na sina Julius at Sheryl.

Kabilugan ng Buwan

(Apo Hiking Society)

 

Kapanahunan na naman ng paglalambingan
At kasama kitang mamasyal sa kung saan
Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan
Aakapin kita, mahal ko, sa buong magdamag

Pagmamahalan lang naman ang mararanasan
Sa sariling mundong tayo lang ang may alam
Kabilugan ng buwan at ang hangin ay may kalamigan
Aakapin kita, mahal ko, sa buong magdamag

CHORUS
Halina’t pakinggan ang awit na dala ng pag-ibig
Masaya ang mundo ‘pag kapiling kitang ganito
Huwag kang hihiwalay at ang puso ko ay maligaya
Lapit na, o lapit pa

Pag-ulit ng chorus, may nag-backup vocals pa. Naalala talaga ni Sheryl ang The Tux sa kanila…

“Sheryl,” sabi ni Julius, sabay offer para mag-link arms sila. “Julius,” sabi ni Sheryl, who accepted the offer.

Ano, bukas na lang tayo mag-usap?” tanong ni Julius na may kasamang wish na pumayag ang kausap.

Yeah. Or maybe next week?” sagot ni Sheryl, na-realize kasi niyang mas tama sa weekend na iyon ang magdiwang kaysa sa magluksa. Masyado pa nga namang maaga. Kailangan lang ulit ma-slow mo ang puso niyang extremes kung mag-react kay Julius.

Nagsasayawan na ang mga bisita pagbalik nila sa reception venue. Niyaya ni Julius si Sheryl. Pumayag naman ito.

Swing! Marunong si Julius mag-swing! Sabi ng cheering squad sa puso ni Sheryl.

Kahit ang hirap ispelengin ng ka-date niya, hindi maitatanggi ni Julius na masarap ito kasama. When she’s not obsessing about the future, Sheryl can be pretty fun to be with.

Kailan ka natutong mag-swing?” tanong ni Sheryl nung nagpalit na ang DJ ng music sa tinatawag nila noong high school na “sweet.”

Actually, ex-girlfriend ni Julius na trained dancer ang nagturo sa kanya, pero ayaw na niya ng away kaya hindi niya inamin. Atsaka hindi niya rin maalala ang pangalan nun kaya mabuti pang huwag masyadong magbigay ng detalye kay Sheryl.

“Wala, natural na talented lang ako talaga,” sagot niya.

Maniwala ako sa iyo. Tambay ka siguro sa dancefloor. Sa college ko natutunan iyan e, P.E. ko ang Social Dance,” sabi ni Sheryl. Alam niya ang dance rules ng swing dahil may exam sila noon, pero ngayon pa lang siya naisayaw ng lalaking marunong talagang mag-lead. Ayan na naman siya, nilalagay sa pedestal si Julius.

Katabi nilang sumasayaw sina Louie at asawa nitong si Ria. “Hi, Sheryl,” sabi ni Ria. “We’ll hang out with you guys later, sa rented house nina Joanne. I’ll tell you all about Julius and his escapades!

Nagningning ang mga mata ni Louie sa dami ng kwentong pwede niyang sabihin para ilaglag si Julius. Si Julius, umiling na lang at nagsabi kay Sheryl, “Kahit anong sabihin nila, I will deny everything! May memory lapses na ako e.

Lumapit si Adrian, ang pinakamaliit sa barkada, para ipunin ang lahat sa pinakahihintay na group picture. Hinila ni Julius si Sheryl, na hindi sure kung dapat ba siyang sumali.

Halika na, ‘no, sayang naman ang production number ng mga ito para sunduin ka kanina.

Ngumiti si Sheryl at sumama na rin. “It’s also high time I met Janine!

Dumiretso sila sa gitna at habang sine-setup ng photographers ang positions ng lahat, pinakilala ni Julius si Sheryl sa bride.

Janine, this is Sheryl,” sabi ni Julius kay Janine na talaga namang lumulutang ang ganda. Bakit kaya sa araw ng kanyang kasal, may kakaibang glow ang bride na hindi kayang pantayan ng sinuman? Dala siguro iyon ng kaligayahan. Dala siguro iyon ng pag-ibig.

It’s great to finally meet you! I’m so glad you decided to stay,” sabi ni Janine.

Kabado si Sheryl, may dating kasi si Janine na alpha female atsaka, siyempre, alam niyang best friend nito si Susannah. Pero hindi siya nagpahalata, ngumiti siyang labas lahat ng dimples at nagsabing, “It’s a beautiful wedding, and I love your gown!

Wala nang oras para mag-chika chika kasi nagsimula na ang pictorial ng grupo. Na-relieve din si Sheryl. Para silang mga artistang pinagkaguluhan hindi lang ng mga official photographers kundi pati na ng lahat ng may DSLR at smartphone na bisita, not to mention inilabas din ang mga baon nilang camera na ibinilin nila sa mga naiwan sa table nila. Halatang mahalaga ang okasyong ito para sa magkakaibigan.

Pagkatapos ng pictorial, niyaya ni Julius si Sheryl sa photo booth, yung magiging wedding souvenir ng mga bisita. Maganda yung backdrop, may bilog na buwan, kalahati ng puno, at park bench kung saan maaaring maupo ang mga magpapa-picture. Ibang level na photo booth iyon.

Maganda ang kinalabasan ng pictures nila. Kahit gaano kaganda ang buwan sa labas, walang talent sa professional photography si Julius kaya hindi niya mapapalabas na ganoon kaganda kung nag-selfie sila sa full moon. May naisip tuloy na lumang-lumang hirit si Julius habang tinitingnan ang mga kuha, at hindi na siya nakapigil.

Alam mo Sheryl, hindi tayo tao…

Ano? Ano’ng ibig mong sabihing hindi tayo tao?

Hindi rin tayo hayop…” Nakatawa si Julius kaya napansin din ni Sheryl na may punchline ito.

Alam mo kung ano tayo? Tanungin mo sa akin kung ano tayo!” Buti na lang hindi maalala ni Sheryl ang punchline, kaya sumakay na rin siya.

Sige nga, Julius, ano tayo?

Bagay tayo!” Triumphant grin ang isinukli ni Julius sa pakikiisa ni Sheryl sa paghirit niya.

Napatawa naman nang malakas ni Julius si Sheryl sa sobrang ka-cheesy-han nito. Kanina nga lang ba, muntik na silang maghiwalay?

Niyaya siya ulit palabas ni Julius. Ayaw na sanang sumama ni Sheryl, dahil sa mga kadramahan kanina, pero sabi ni Julius, may ipapakita lang siya.

Wala naman talagang ipapakita si Julius. Gusto lang niyang masolo si Sheryl ulit. And to kiss her hair, which he did. Matagal silang nakatayo sa kung saan tanaw na tanaw nila ang maliwanag at bilog na buwan, at pinili ni Sheryl na hindi magsalita, kasi baka may masabi pa siyang mali ulit, at masira ang moment.

Doon sila dinatnan ni Alex, na buhat-buhat ang bunso nitong tulog na si Dave. “Tara na, Julius? Convoy tayo, although sana dala mo ang mapang in-email ni Joanne.”

Sunud-sunod na naglabasan na rin ang magkakabarkada, ang mga huling bisitang naiwan. “Ang dami nating baon galing sa open bar, woohoo!” sabi ng mga ito.

Umiinom ka ba, Sheryl?” tanong ni Ria, habang naglalakad sila papunta sa mga sasakyan. Hawak ni Julius ang kamay ni Sheryl, baka kasi magsimula na si Ria ng paghahalungkat ng nakaraan.

Medyo pero hindi siguro kasing-lakas ng mga ‘to,” sagot ni Sheryl.

Pagdating sa rented house sa Nasugbu, inasikaso na ng mga yaya ang mga bata, at naglabas si Joanne ng mga baong pulutan: potato chips, adobong mani, chicharong may laman at walang laman, pistachio nuts. Ready rin si Alex, meron silang bag of ice, plastic cups and utensils, garbage bags, table napkins, at paper plates.  Meron ding nachos with different dips, at mga naibalot galing sa handa.

Kumpleto ang barkada maliban kina Raymond at Janine. Hindi nila mapalampas ang pagkakataong magkasama-sama ulit, at, honestly, makilala ang pinakabagong kabarkada, si Sheryl.

Sina Adrian at Chris ang nagsilbing bartenders. Kahit ano alam nilang timplahin at gawin. Ang mga babae, nakaupo na lang sa sakit ng paa dahil sa mga stilettos nila.

Nakapaligid silang lahat kay Sheryl. Mababait naman lahat kaya hindi na siya feeling left out. Dahil alam na nila paano nagkakilala sina Sheryl at Julius, dumiretso na sila sa pang-aasar.

So, ano’ng gusto mong malaman tungkol sa mga kalokohan ng magkakaibigang ito?” Simula ni Charm, asawa ni Chris.

Mga siga sa Mandaluyong ‘yan, at mga miyembro ng choir, na walang ginawa kundi manligaw sa mga babaeng nakikilala sa parokya.

Correction, nanliligaw lang po kami sa mga MAGAGANDANG babaeng nakikilala sa parokya,” pambubuko pa ni Chris.

Pero you got the smartest among us, Sheryl. Kay Julius lang kami nangongopya nung high school, kaso minsan walang solution sa math problems, alam lang niya ang tamang sagot, nasa utak niya ang solution, mahirap kopyahin sa test paper!” kwento ni Daniel.

Sinasadya kong huling isulat ang solution, pambihira, ang lalakas niyong mangopya! Nahuli pa nga tayo minsan!” dagdag ni Julius.

Member din ako ng choir na ‘yun,” sabi ni Ria, “pero di ako kasing-galing mo kumanta. Mas gusto kong mag-gitara at sumayaw… anyway, enough about me…

Oo nga, hon,” singit ni Louie, “akala ko ba iro-roast natin si Julius dito?

Naman, kung roasting sa tingin niyo makakatulong kay Sheryl?” sabi ni Adora, ang maybahay ni Adrian.

Mabait yan si Julius sa mga younger members ng choir, kuya nga siya ng bayan e.

Kasi members din ang apat na kapatid ko,” paliwanag ni Julius.

Asuus! Style lang yung mga pa-kuya-kuya ng mga girls kay Julius! Nagpapaturo pa kunyaring mag-gitara!” sabat ni Ria.

Tumingin si Sheryl kay Julius, “Kilabot ka pala ng youth sa choir,” sabi niya.

Sumagot naman ang abogadong si Adora, na tagapagtanggol ni Julius sa gabing iyon. “Kaya siya Kuya ng Bayan ay dahil yung apat niyang kapatid na iyon, tumulong siya  sa pagpaaral nila, at ang requirement niya, makatapos mag-aral at maging active sa simbahan.

Naisip ni Sheryl na ang daming pogi points nun kay Julius. Magaling sigurong abogado si Adora sa totoong buhay.

But let’s talk about Julius’ girls!” sabi ni Louie, makapang-asar lang.

Baka isipin ni Sheryl, marami…” depensa ni Julius.

“Marami naman  talaga e!” sagot ng lahat, sabay nagtawanan.

Ano’ng drink ang gusto mong i-try?” alok ni Julius kay Sheryl, para mabaling ang atensiyon sa ibang bagay.

Bakit, kailangan ko bang makainom bago ko marinig ang mga nagbabagang eksena ng iyong past conquests? Gin and tonic, please.” Sagot ni Sheryl.

Hinde, gusto ko lang tumayo kasi baka masakal ko na ‘tong mga katabi ko, e,” sagot ni Julius.

Halata namang maganda ang samahan ng magkakaibigan, kahit karinyo brutal ang iba at natural ang alaskahan. Natupad na ang plano ni Julius – ang makilala ni Sheryl ang mga kaibigan niya, at mag-enjoy siya sa weekend na iyon.

Nag-ring ang cellphone niya. Si Larissa, tumatawag sa Viber, on US time. Nag-excuse si Sheryl, pumunta sa kuwarto at sinagot ang phone.

Ano nang nangyayari? Kumusta? Sabi nina Fran, hindi ka na raw nag-reply ulit after mong mag-send ng sad face kanina.

Oh, it’s a long story, but I’m fine now. We’re hanging out with his friends. They’re wonderful. They’re giving me a glimpse of Julius, pre-Sheryl.”

“Ano yung drama kanina?

Well,” nag-isip si Sheryl kung aamin  ba siya, at naisip niyang walang mawawala kung magsabi ng totoo, “alam niyo naman ako. Umandar na naman ang pagka-bratinela ko.

Ay Sheryl! ‘Yan ang surefire way para mag-goodbye sa’yo ang lalaki. Keep him interested, tsaka mo na dapat pinakita ang sungay mo…”

Ayun nga, nag-stage ako ng walkout. Kumagat ang loko. Pero hinabol kami ng barkada, at medyo natauhan kami.

“Walkout? Ano, feeling diva ka naman diyan? Umayos ka Sheryl,  nakita ko ang pictures ng Julius. Guwapo, at may dating. I mean, looks aren’t everything, at dapat kilalanin mo pa siya, pero kung gusto mo talaga, dahan-dahan ka rin. Don’t be too demanding agad.

So medyo on-the-job trainee ako sa larangang ito. I have to go, I’m missing out on all the tsismis and kwento in the other room.”  Nagpaalam na si Sheryl kay Larissa at bumalik sa sala kung saan nagkukukwentuhan ang magkakabarkada.

Naisip niya lang kung ganito rin sila ka-warm at welcoming noon kay Susannah. Pero hindi siguro tamang topic iyon for that night. Natuto siya sa mga paalala ni Larissa.

Nagtatawanan ang lahat pagpasok niya sa sala. Tiningnan siya ni Julius nang matagal at niyayang maupo ulit sa tabi niya sa sofá. Siksikan sila dahil maliit lang ang sala. Nag-explain si Sheryl na overseas ang call kaya medyo natagalan.

What did I miss?” tanong niya kay Julius.

“Pinapaliwanag lang nila na meron daw silang secret signal talaga para mag-intervene kung may hindi magandang mangyari sa atin kagabi.

Kaso itong engot na si Alex, hindi na-gets agad, hinayaan pa kayong lumabas, eh, nag-signal na ako!” sabi ni Joanne.

Aba, gaano ka ba kadalas makipag-LQ in public at may super secret plan na sila to intervene kaagad?

More of yung kay Susannah iyong signal, hehe. Kaya hindi ko na-connect dahil nakalipas na si Susannah,” palusot ni Alex.

“Oh yes, let’s talk about Susannah, o Emotionally Constipated One!” sabi ni Sheryl kay Julius, sabay sandal dito.

Umangal si Julius, “Huwag naaa!

Nag-chorus naman ang magkakaibigan. “Madali kaming pakantahin, Sheryl!

Naisip ni Julius, nakaraan ko lang niluluto ng mga ito, a. Si Sheryl kaya, ano ang mga nakaraan? Naka-ilang relationships na? Ang dami pa nyang hindi alam.

At siguro, may panahon na ngayon para matuklasan niya kung sino si Sheryl, pre-Julius.

ITUTULOY…

Leave a comment